May post sa Alaeh.net si Jun tungkol sa Motorcycle Diaries, isang pelikula tungkol kay Ernesto “Che” Guevara na pinagbibidahan ng mahusay na Mehikanong artistang si Gael Garcia Bernal. Ayon kay Jun, ang Motorcycle Diaries ay “istorya ng isang paglalayag” na makapagbibigay-linaw “kung ano ang tunay na intensyon ng tao at ng mundo para sa’yo.”

Ilang beses na rin naming napanood ang Motorcyle Diaries. At sumasang-ayon ako kay Jun na ito ay tungkol sa paglalakbay at pagtuklas, tungkol sa pagtupad ng pangarap at paghahahap ng direksyon sa buhay. Sa kaso ng magkaibigang Ernesto Guevara at Alberto Granado, kapwa nila natagpuan ang kanilang nais gawin sa buhay na ito: ang maglingkod sa sangkatauhan sa magkaibang paraan. Si Che sa pagsusulong ng pagbabago sa Timog Amerika at si Alberto sa landas ng medisina.

Naisip ko nga noon, dapat itong ipalabas nang libre para mapanood ng marami. Bukod sa magaling na pagkakagawa ng pelikula at makatotohanang pagganap ng mga artista, matindi ang impresyong iiwan ng malakas na karakter ni Che na inilarawan sa pelikula: ang kanyang lubos na katapatan at walang pag-aanlinlangang pagyakap sa katuwiran.

Bago ko mapanood ang Motorcycle Diaries, ginagamit ko nang signature sa mga forums ang quotation na galing kay Che: “If you tremble with indignation at every injustice, then you’re a comrade of mine.” Sa pelikula, mas naramdaman kong sa kanya nga nanggaling ang mga katagang iyan.

Naalala ko tuloy, kailangan ko na nga palang ipagpatuloy ang pagbabasa ng biography niya. Tumigil kasi ako dahil nalilito ako sa dami ng bagong mga karakter. At kung gusto pa ninyong pag-usapan ang pelikulang ito, may post tungkol sa Motorcycle Diaries sa UPAlumni.tk forums na hanggang ngayo’y ‘di pa rn nasasagot ng kahit sino.


Ederic Eder

Ederic is a Filipino communications worker in the telecom, media, and technology industry. He writes about K-dramas and Korean celebrities for Hallyudorama.

He used to be a social media manager for news at GMA Network, where he also headed YouScoop, GMA News and Public Affairs’ citizen journalism arm.

He was with Yahoo! Philippines for more than three years before returning to GMA Network, where he was also previously part of the News Research section.

Author posts
Related Posts

Privacy Preference Center