“I fear that one of the enduring legacies of martial law is its own repeatability. Authoritarian rule, including the undeclared kind, can happen again because too many Filipinos still don’t know what happened from 1972 to 1986, let alone why it happened. About the martial law period they have nothing to remember, and they won’t know it when they see it.”
Isa ito sa mga paborito kong quotation tungkol sa martial law mula sa guro kong si Prof. Luis Teodoro. Isinulat niya ito halos 20 taon na ang nakararaan, ngunit mas lalo itong makahulugan ngayon.
‘Di na lang walang alam ang mga Pilipino tungkol sa martial law. Dahil sa rebisyonismo at propaganda, nalilikha ang isang pekeng alaala ng isang dakilang panahon. Isinasaksak ng mala-chain letters na online posts at memes sa utak ng mga madaling mauto ang mga kasinungalingan tungkol sa rehimeng Marcos. Itinatanggi ng mga ito ang mga katiwalian, pagnanakaw, at pang-aabuso ng diktadura.
Pero ang teknolohiyang ginagamit sa pagbaluktot sa kasaysayan, magagamit din naman para lalo itong pag-aralan. Narito ang ilang online resources na magagamit para maintindihan ang martial law, na isang kasuklam-suklam na bahagi ng ating kasaysayan:
Martial Law Museum. Mula sa Ateneo de Manila University ang online resource na ito para sa pagtuturo hinggil sa martial law.
Bantayog ng mga Bayani. Organisasyong kumikilala at nagpupugay sa mga martir at bayani ng pakikibaka laban sa diktadurang Marcos.
The Conjugal Dictatorship of Ferdinand and Imelda Marcos. PDF copy ng 1976 edition libro ni Primitivo Mijares, dating propagandista ni Marcos na kalauna’y bumaliktad at naglaho.
Digital Museum of Martial Law in The Philippines. Likha ng Dakila Collective, gumagamit ng multimedia arts sa pagtalakay sa martial law.
“Alaala: A Martial Law Special.” Bida si Alden Richards sa dokyu-drama ng GMA News and Public Affairs tungkol sa karanasan ng aktibistang si Boni Ilagan noong martial law.
Ferdinand E. Marcos – The New York Times. Archive ng mga article tungkol sa yumaong diktador na nalathala sa pinakapinagkakatiwalaang diyaryo sa mundo.
Campaign Against the Return of Marcoses to Malacañang. Kampanya para mapigilan ang pagbabalik sa poder ng mga Marcos at mabawi ang mga nakaw na yaman ng pamilya ng yumaong diktador.
Unang nalathala sa Dyaryo Pilipino. Idinagdag sa online version na ito ang link sa “The Conjugal Dictatorship of Ferdinand and Imelda Marcos.” Ang larawan ay pag-aari ng GMA Network.

Ederic Eder
Ederic is a Filipino communications worker in the telecom, media, and technology industry. He writes about K-dramas and Korean celebrities for Hallyudorama.
He used to be a social media manager for news at GMA Network, where he also headed YouScoop, GMA News and Public Affairs’ citizen journalism arm.
He was with Yahoo! Philippines for more than three years before returning to GMA Network, where he was also previously part of the News Research section.
Related Posts
July 16, 2024
Greenpeace PH: no need for nuclear energy
Greenpeace comments on the PH-US nuclear pact and advocates for renewable…
June 9, 2023
Fair-gig at food pop-up para sa Martsa ng Magbubukid
Suporta sa mga magsasaka ang Bagsakan para sa Lupa, Hustisya, at Kapayapaan.
March 2, 2023
PETA Celebrates Pamela Anderson’s Animal Activism
“From the Philippines to her home country of Canada, Pamela Anderson has made…