Sa mga pagtitipong napuntahan ko sa nakalipas na mga taon, isa sa mga pinakadinaluhan ng maraming mga bituin ang PLDT Gabay Guro Grand Gathering sa Mall of Asia Arena noong isang taon.
Isang concert na nagsisilbing pagpupugay sa mga gurong Pilipino ang taunang grand gathering na proyekto ng Gabay Guro, ang education advocacy program ng PLDT-Smart Foundation.
Gaganapin na bukas sa MOA Arena pa rin ang Gabay Guro Grand Gathering para sa taong ito. Kabilang sa mga magpe-perform para sa mga teacher sina Sharon Cuneta at Gabby Concepcion. Inaasahan ding dadalo sina Regine Velasquez-Alcasid, Ogie Alcasid, Martin Nievera, Jaya, Randy Santiago, at Christian Bautista. Siyempre, tulad noong isang taon, siguradong mayroon ding surprise guest performers.
Bago mangyari ang PLDT Gabay Guro Grand Gathering 2018, balikan muna natin ang star-studded event last year. Narito ang aking kuwento at ilang mga larawan.
Kitakits
Ang masters of ceremonies noong isang taon ay sina Concert Queen Pops Fernandez, singer-actor Markki Stroem, Miss Universe 2015 Pia Wurtzback, at Mister World 2012 first runner-up Andrew Wolff — na kilala rin dati sa Yahoo! Philippines office bilang Ederic’s hot cousin. 😂
‘Yang si Andrew, superbait na pinsan. Mala-Superman ‘yan na lumipad pa mula Palawan last year para mag-host sa kasal namin ni Myla. Kaya naman ‘pag nagkikita kami ni Andrew, nagpapa-selfie agad ako. Tingnan n’yo, na-starstruck pa ako rito, o:
Kapuso and Kapamilya favorites
Sa kasagsagan ng concert, tila bumaba ang isang bituin sa langit nang mula sa entablado ay naglakad si Kapuso Primetime Queen at Super Ma’am Marian Rivera palapit sa audience.
Gaya ng sa ilang pang pagkakataon na napanood ko si Marian, nasaksihan kong muli ang pagkagiliw ng mga tao sa Kapuso Primetime Queen.
Tilian din ang sumalubong kay Kapamilya hunk Piolo Pascual…
… na pinagkaguluhan din sa kaniyang pagbaba para malapitan ang mga guro.
Sa kaniyang madamdaming pag-awit, pinakilig din ni Kapusong Tom Rodriguez ang mga teacher.
Aldub, Kimerald, Mayward, at Josh[lia]
Napanood ko rin sa Gabay Guro Grand Gathering last year ang mga paborito kong Kapuso at Kapamilya loveteams.
Siyempre dahil naroon si Philippine Dubsmash Queen Maine Mendoza, na nakilala natin bilang si Yaya Dub…
… naroon din si Pambansang Bae Alden Richards!
Samantala, hindi po nag-change costume si Alden sa picture na ‘to. Si Joshua Garcia ‘yan ng Kapamilya loveteam na Joshlia!
Ang Aldub, may mala-family picture pa kasama si Baeby Baste, na kasamahan nila sa Eat Bulaga.
Parang na-time-space warp naman ako nang lumabas sa stage ang Kimerald, na sinubaybayan ko rin dati.
Sa event na ito ko rin unang napanood sina Edward Barber at Maymay Entrata. Kinilig ang Flyers na Mayward fans sa tweets tungkol sa paborito nilang loveteam.
Kinalaunan, naging ka-tweet ko na rin ang ilang tagahanga nina Maymay at Edward.
Di po ‘yan kaya ng powers ko. Pero natuwa ako sa support ng MayWard sa #GabayGuro10 ng @pldt. Doon ko sila unang nakita. 😀 #MAYWARDisOURShip pic.twitter.com/7mB4ngtyLB
— Ederic Eder (@ederic) October 9, 2017
Brightest stars
Ang Asia’s Songbird at PLDT Home endorser na si Regine Velasquez ang pinakahuling nagtanghal sa Gabay Guro Grand Gathering 2017.
Pero nasa concert din ang kabiyak niyang si Ogie Alcasid.
Si Lea Salonga, umawit din ng pasasalamat sa mga guro.
Si Gabby Concepcion, nagpaakyat pa ng mga teacher na kinausap niya sa stage.
Narito pa ang mga malalaking bituing nagtanghal at nakunan ko ng maayos-ayos na pictures:
Wagi
Narito naman ang mga nanalo ng grand prize sa mga papremyo para sa mga guro. Kasama nila ang ilang celebrity guests, hosts, at organizers ng Gabay Guro Grand Gathering 2017.
Para sa mga impormasyon kaugnay ng Gabay Guro Grand Gathering 2018 na mangyayari bukas na hapon, basahin ang article na ito sa PLDT.com.
Ederic Eder
Ederic is a Filipino communications worker in the telecom, media, and technology industry. He writes about K-dramas and Korean celebrities for Hallyudorama.
He used to be a social media manager for news at GMA Network, where he also headed YouScoop, GMA News and Public Affairs’ citizen journalism arm.
He was with Yahoo! Philippines for more than three years before returning to GMA Network, where he was also previously part of the News Research section.
Related Posts
August 29, 2024
‘Joy Ride’ premieres November on Lionsgate Play
Irreverent comedy features four unlikely friends' unforgettable international…
May 12, 2024
Heartfelt movies and series for mom on Lionsgate Play
Celebrate moms with laughter, tears, and heartwarming stories.