Habang sarado ang mga paaralan sa Pilipinas dahil sa pagsiklab ng COVID-19, inaanyayahan ng TeachKind — ang humane education division ng PETA US — ang mga magulang na gamitin ang kanilang libreng online materials, activities, at lesson plans para sa mga estudyante.
Kabilang sa resources ang reading comprehension exercises para sa mga bata sa K-12 at dose-dosenang writing prompts para sa mga elementary at high school students.
Ang mga nakakaaliw na poster ng PETA US ay puwedeng magsimula ng diskusyon ng animal-friendly idioms. Ang mga aralin tungkol sa pronouns (mga panghalip) ay maaaring makatulong sa mga estudyante sa K-2 o 3 to 5 na ang mga hayop ay may buhay at hindi mga bagay.
Ang “Share the World” kit, na may kasamang online videos, ay natutulungan kahit na ang mga pinakabatang mag-aaral na magkaroon ng empatiya para sa mga hayop. Ang PETA Kids naman ay may masasayang activities para sa mga batang 12-anyos pababa katulad ng comic books, games, at videos.
“Ang mga paaralan man ay sarado, ang mga isip ng mga bata ay bukas pa rin, at sila ay maaaring patuloy na matuto sa bahay kung paano maging mga mabuting mamamayan sa tulong ng PETA at TeachKind,” ani Jason Baker, PETA senior vice president of international campaigns.
“Gamit ang mga worksheet, writing prompt, mga bidyo at mga laro, ang mga estudyante ay maaaring patuloy na pagbutihin ang kanilang husay sa pagbabasa at pagsusulat habang natututo na magkaroon ng pagkahabag at empatiya para sa iba,” dagdag pa ni Baker.
Buong taon ay nagbibigay ang PETA at TeachKind ng libreng lesson plans, classroom materials, at iba pang resources para matulungan ang mga guro na idagdag sa kanilang mga kurikulum ang pagkahabag para sa mga hayop. Nagbibigay din ang PETA ng libreng vegan starter kit sa kahit sino sa Pilipinas, at maoorder ito sa kanilang website, PETAAsia.com.
Ang PETA, na may motto na, “Ang mga hayop ay hindi atin para gamitin sa pag-eksperimento, kainin, suotin, gawing panglibangan, o abusuhin sa kahit ano mang paraan” — ay lumalaban sa ispisisismo, na isang human-supremacist na pananaw sa mundo. Para sa karagdagang impormasyon, bisitahin ang Teachkind.org at PETAAsia.com.
Image by Chuck Underwood from Pixabay
ederic.net
Formerly known as ederic@cyberspace, ederic.net is the blog of Filipino communications worker Ederic Eder. The blog features his writings, as well as contributed materials such as press releases and guest posts.
Related Posts
July 2, 2024
UNICEF asks Pinoy youth to join U-Report poll
Those between 13 and 24 may take part until July 14.
February 24, 2022
Pilgrims for Peace: Free Rey Casambre and Dr. Naty Castro!
Both Rey Casambre and Dr. Naty Castro are victims of State red-tagging and…
February 21, 2022
CHR Statement on the Arrest of Health Worker Dr. Natividad Castro
CHR is concerned with the manner of arrest and the red-tagging of Dr. Natividad…