Dumalo kami ni Mhay noong Sabado sa kasal ng mga kaibigan naming sina Alleluia at Kimberson, na mga kabarkada na niya mula pa noong high school.
Maganda at masaya yung kasalan — isang maligayang panimula sa panghabang-buhay nang ugnayan ng magkatipan at isa ring pagkakataon upang muling magkasama-sama ang magkakaibigan. Sa handaan, napuno ang mesa namin ng mga kuwento at pagbabalik-tanaw ng mga kabarkada ng ikinasal.
Nagpapasalamat at masaya ako sa pagdalo sa kasal nina Lou at Kim. Masaya ang pagdalo sa mga kasalan. Nararamdaman mong espesyal ka dahil isinama ka ng mga ikinasal sa kanilang pamilya’t mga kaibigang sasaksi sa napakahalagang araw sa kanilang buhay. Ninais nilang maging kabahagi ka sa kanilang tuwa at pagbubunyi sa pag-angat sa bago at pinakamataas na yugto ng kanilang ugnayan sa mundong ito.
Kina Lou at Kim, congratulations and best wishes! Sabagay, Lou, ako ang iyong special pupil, di ba? At wala kayong choice kundi imbitahan ang iyong bestfriend’s boyfriend, hehe.

Ederic Eder
Ederic is a Filipino communications worker in the telecom, media, and technology industry. He writes about K-dramas and Korean celebrities for Hallyudorama.
He used to be a social media manager for news at GMA Network, where he also headed YouScoop, GMA News and Public Affairs’ citizen journalism arm.
He was with Yahoo! Philippines for more than three years before returning to GMA Network, where he was also previously part of the News Research section.
Related Posts
October 5, 2021
Kompleto na ang COVID-19 Vaccine Shots Ko
Nakompleto ko na ang dalawang doses ng COVID-19 vaccine. Ikaw ba? Kung hindi…
Dan: Sige, update natin. Pakipalitan din ng link ko, ha? Salamat. 🙂
Anto: Wala pa akong 30, hehe. 😉
Anong “bata pa po kami”?!?
Kailan na nga ba Ederic? Alangan namang si Mhay pa ang tanungin ko.
hey ederic i have a new site nah. http://dansoy.lukaret.com paki update nalang dyan sa link ko sayo salamat.
dans last blog post..Best Model of Shampoo
Bata pa po kami. 😉
so, kailan ka ikakasal?
alains last blog post..Pedicabs / Rickshaws in Beijing