Nag-birthday ako nitong nakalipas na linggo. Sa weekend bago ang kaarawan ko, umuwi kami kina M at naghanda roon ng kaunting spaghetti at manok. Nakapanood din kami ng “Miss You Like Crazy.” Nag-leave rin ako sa trabaho nang dalawang araw para makapagpahinga, at medyo binawasan ko rin ang pagpo-post sa social networks ko. Nung Biyernes, nagamit ko ang palm card ng Pizza Hut at nagsalu-salo kami ng mga katrabaho ko sa pizza at chicken wings.
Samantala, ilang araw na akong nagrereklamo sa pabalik-balik na sakit ng ulo. Tanong ng isang sa mga kasamahan ko kanina nang mabanggit ko ito ulit habang nagtatanghalian. “Ilang taon ka na ba, Ederic?” Senyales na nga ba ito ng pagtanda?
Naalala ko tuloy ang payo ni Baz Luhrmann: “Enjoy the power and beauty of your youth.” Sabagay, considered pa naman akong youth. Kaso, wala yung beauty; at invisible pa yata ang secret power ko.

Ederic Eder
Ederic is a Filipino communications worker in the telecom, media, and technology industry. He writes about K-dramas and Korean celebrities for Hallyudorama.
He used to be a social media manager for news at GMA Network, where he also headed YouScoop, GMA News and Public Affairs’ citizen journalism arm.
He was with Yahoo! Philippines for more than three years before returning to GMA Network, where he was also previously part of the News Research section.
Related Posts
October 5, 2021
Kompleto na ang COVID-19 Vaccine Shots Ko
Nakompleto ko na ang dalawang doses ng COVID-19 vaccine. Ikaw ba? Kung hindi…
Belated Happy Birthday Ederic…!!!napadaan uli ako sa site mo eh..nagbday ka na pala..
Ok lang, Noel. :p Salamat. 🙂
Uy, di kita nabati! ngunit huli man daw at magaling, naihahabol din. Maligayang kaarawan sa yo!
Birthday nyo pala! Belated po!
Thanks, Tim. 🙂
Belated Happy Birthday sa iyo Ederic! 😀
Salamat, Jhay. 🙂
Sir Ederic, belated Happy Birthday po! And Thank you po sa pag-greet nuong kaarawan ko 😀
Salamat din, John Carl. 🙂