Pinalaya na mula sa ilang linggong pagkakakulong sa Netherlands si Prof. Jose Maria Sison. Narito ang article ko para sa Pinoy Gazette tungkol sa kanya.

Noong nasa kolehiyo ako at sumali sa UP Journalism Club, laging ipinagmamalaki ng aming organisasyon na isa sa mga naging unang kasapi namin ay si Jose Maria Sison, kilalang manunulat, makata at rebolusyunaryo. Bilang paghahanda sa aming ika-50 anibersaryo, humingi kami sa kanya ng isang pahayag. Ipinadala naman niya sa e-mail ang kanyang pagbati, at sinabi pang naging pangulo rin siya ng JournClub.

Read more »