Hanggang ngayon, wala pa ring paliwanag si Ilocos Norte Governor Imee Marcos — anak ng yumaong diktador na si Ferdinand Marcos, kandidato sa pagkasenador, at isa sa mga pambato ni Pangulong Rodrigo Duterte — tungkol sa pagdedeklara niya ng maling impormasyon kaugnay ng kaniyang pinag-aralan.
Princeton University
Matapos mag-file ng kaniyang certificate of candidacy sa pagkasenador, muling lumabas ang mga balita at usap-usapan na taliwas sa nakasulat sa kaniyang bio-data, hindi totoong nagtapos ng kolehiyo sa Princeton University si Gov. Marcos.
“I included all the information within her file that I am permitted to release to you, but she did not earn a degree,” bahagi ito ng sagot sa kanila ng taga-Princeton University archives, ayon sa Interaksyon.
Noong Disyembre, tinanong si Imee tungkol dito sa programang “Ikaw Na Ba? The Senatorial Candidates’ Interview” ng DZMM. Sa kaniyang mahaba at paligoy-ligoy na tugon, hindi sinagot niya ang tanong kung sa Princeton ba talaga siya nagtapos ng kolehiyo.
Tinanong din ni Luchi Cruz-Valdes ng TV5 sa kaniyang programang “Aplikante” si Gov. Marcos, at sa halip sa sumagot ng “oo,” ito ang sinabi ng gobernadora: “Pumasok ako ng Princeton at sa pagkakaalam ko, nag-graduate ako.”
Noong Pebrero, iniulat ng The Daily Princetonian, ang student newspaper ng Princeton University, na hindi totoo ang sinasabi ni Marcos.
“Our records do not show that Ms. Marcos was awarded a degree,” ayon umano sa email ng Deputy University Spokesperson Michael Hotchkiss sa diyaryo ng mga estudyante.
Basahin ang report na “Filipino governor, senate candidate falsely claims to have graduated from U.” ng Daily Princetonian. Wala pang napapaulat na reaksiyon dito si Marcos.
UP College of Law
Ang pagiging graduate at cum laude sa University of the Philippines College of Law, dati ring nasa curriculum vitae (CV) ni Gov. Imee. Ipinagmamalaki rin ito ng mga loyalista ng pamilyang Marcos.
ANG PAGIGING MATALINO ay nananalaytay sa dugong Marcos.
— Bagong Lipunan (@BagongLipunan72) January 8, 2019
Like her father, @ManangImee studied at the University of the Philippines College of Law. She graduated Magna Cum Laude.#1meeMarcos #ForeverMarcosPaRin pic.twitter.com/CDYZe6xfhK
Pero dati itong tinawag na fake news ng retired UP history professor at Cebu Daily News columnist na si Dr. Madrilena de la Cerna.
Noong Pebrero, naglathala ang Rappler ng isang fact-check article na nagsasabing hindi totoong nagtapos at naging cum laude sa UP Law si Imee.
“There is no record of her graduation from UP [Diliman] nor any honors or academic distinctions received with the University Registrar’s office,” ani UP Executive Vice President Teodoro Herbosa sa isang email umano sa Rappler.
Wari’y sagot sa report na ito, nagpost ang Facebook Page ni Gov. Marcos ng mga litrato ng graduation umano niya sa UP Law.
Sa iba’t ibang mga report, nanindigan ang UP na di nagtapos sa State University si Imee:
- GMA News: “Despite grad pic: No record of Imee Marcos graduating from UP Diliman”
- ABS-CBN News: “Imee Marcos did not graduate, no honors, from UP Diliman, says UP exec”
- Interaksyon: “No record, yearbook entry for Imee Marcos’ graduation at UP”
Para namang walang naririnig ang anak ng diktador nang hingan siya ng mga reporter ng reaksiyon sa pahayag ng UP.
Since this weekend we tried to get Ilocos Norte Gov Imee Marcos’ comment on UP’s statement that there is no record of her graduation from UPD nor any honors or distinctions received; we asked her again this afternoon in Valenzuela @gmanews pic.twitter.com/ZblscJP7IM
— Dano Tingcungco (@danotingcungco) February 25, 2019
Pero kung di siya totoong nagtapos sa UP, bakit may mga picture si Imee ng kanilang graduation?
Isa lamang itong palabas, ayon sa yumaong dating UP Law dean na si Froilan Bacungan sa librong “The Turning Point: Twenty-six accounts of February events in the Philippines” ng German journalist na si Marilies von Brevern.
“There was indeed some kind of a ceremony held which looked as if she graduated. I was there. It was a little bit PR that, strictly speaking, we should not have participated in,” ani Dean Bacungan sa libro.
Pinayagan daw niya si Imee na pumasok sa UP Law kahit walang maipakita si Imee na certificate na magpapatunay na mayroon siyang bachelor’s degree. Dahil sa kakulangang ito, makalipas ang apat na taon ay hindi nabigyan ng law degree si Imee, pero nakasama siya sa graduation ceremony.
Para basahin ang mga pahina ng libro ni Brevern, puntahan ang blog ni Raissa Robles.
But wait, there’s more! Kung talagang di graduate sa UP Law si Imee, bakit nasa batch yearbook siya na ipinost ng fan page ng yumaong diktador?
Ito ay dahil ang yearbook na ‘yan, inilathala noong 2008 lang bilang pag-alaala sa ika-25 anibersaryo ng UP College of Law Class of 1983.
Pero sa 1983 Philippinensian, ang yearbook ng UP, wala si Imee.
VIDEO: UP Law class of 1983. Gov. Imee Marcos not included. This was taken from Philippinensian 1983. More details on @24OrasGMA @gmanews pic.twitter.com/CkFTVxMzjp
— sandra aguinaldo (@sandraguinaldo) February 25, 2019
Gigil tuloy ang isang alumnus.
Ayon kay Davao Mayor Sara Duterte ng Hugpong ng Pagbabago na kinabibilangan ni Marcos, maglalabas daw ang gobernadora ng pahayag kaugnay ng kaniyang college records. Hindi pa ito nangyayari.
Santa Catalina at AIM
Samantala, pinabulaanan din ng Rappler ang nakalagay sa CV ni Imee na nagtapos at class valedictorian pa siya sa dating Santa Catalina Convent, na tinatawag na ngayong Santa Catalina School, sa Monterey, California.
Pati ang nakalagay sa CV ni Gov. Marcos na MA Management and Business Administration degree umano niya sa Asian Institute of Management, pinagdududahan na rin. Ayon sa ABS-CBN, hindi sumagot siya sa mga tanong nila tungkol dito.
Iwas-pusoy pa rin si Imee.
Photo fromPCOO
Ederic Eder
Ederic is a Filipino communications worker in the telecom, media, and technology industry. He writes about K-dramas and Korean celebrities for Hallyudorama.
He used to be a social media manager for news at GMA Network, where he also headed YouScoop, GMA News and Public Affairs’ citizen journalism arm.
He was with Yahoo! Philippines for more than three years before returning to GMA Network, where he was also previously part of the News Research section.
Related Posts
December 12, 2023
DOH, groups sign smoke and vape-free pledge
They want public policies for smoke-free and vape-free environments.
June 30, 2023
Viral video ng disbarred lawyer na si Larry Gadon
Para ito sa mga naghahanap sa viral video ng nadisbar na DDS at Marcos…
The whole family are pathological liars. Her brother boasted of fake qualifications too, and her father with his war record. The cannot help themselves but in the 21st century, the age of communication, they cannot fool anyone anymore. Sara ‘the jew’ Duterte is struggling to make light of this but the qualifications are, in the end, not the issue. Its the deception which begs the question “why should you vote for this woman?”