Press release ng I-Witness para sa pagtatanghal sa Lunes, Nobyembre 14, 2005

Magulo, masikip, maingay… sadlak sa hirap. Ito raw ang buhay iskwater. Isang kahig, isang tuka. Pero sinong mag-aakalang sa gitna ng tinaguriang mundo ng mahihirap, meron din palang nakatagong yaman?

Yan ang madidiskubre ni Sandra Aguinaldo ngayong Lunes sa I-Witness. Nagbabago na nga raw ang ihip ng hangin para sa mga taong inaakala nating mahirap pa sa daga. May mga nakatira ngayon sa squatter’s area na nakahiga na sa pera!

Si Max Gayula, halos dalawang dekada nang nakatira sa squatter’s compound ng NIA road sa Quezon City. Sa unang kita, aakalain mong walang sinabi, pero aminado siyang yumaman siya sa iskwater.

Bukod sa negosyong water refilling station, pag-aari ni Max ang isang starex van, limang taxi, mga lote sa probinsya at isang condo unit sa Makati! Pero sa kabila ng dami ng ari-arian, hinding hindi niya raw iiwan ang kanyang bahay sa NIA, kahit pa ang lupang kinatitirikan nito, pag-aari ng gobyerno!

Isa lang si Mang Max sa mga illegal na residente ng NIA road na natupok ng apoy sa naganap na malaking sunog dalawang linggo lang ang nakalilipas.

Pero matapos lang ang halos dalawang linggo… animo’y walang trahedyang naganap sa NIA Road. Simbilis ng kabute na muling nagsulputan ang mga bahay… at ang buhay ng mga nakatira doon, balik sa nakagawian.

Pero hindi lahat, nakakaya ang hirap. Makikilala ni Sandra ang pamilya ni Rolly, isang pedicab driver na nasunugan. Matapos ang sunog, nakatira na lang sa kalye ang kanyang asawa at isang taong gulang na anak, ang tanging proteksyon sa ulan, trapal at plastik. Sa tindi ng hirap na dinanas, nagdesisyon ang pamilya na muling bumalik sa probinsya at tuluyan ng iwan ang buhay iskwater.

Samahan si Sandra Aguinaldo kilalanin ang dalawang mukha ng ‘Iskwater’ sa I-Witness ngayong Lunes, pagkatapos ng Saksi sa GMA-7.


Ederic Eder

Ederic is a Filipino communications worker in the telecom, media, and technology industry. He writes about K-dramas and Korean celebrities for Hallyudorama.

He used to be a social media manager for news at GMA Network, where he also headed YouScoop, GMA News and Public Affairs’ citizen journalism arm.

He was with Yahoo! Philippines for more than three years before returning to GMA Network, where he was also previously part of the News Research section.

Author posts
Related Posts

Privacy Preference Center