“Unlike the real suicide bombers in, say, Israel, his body parts are accounted for, and his face is still recognizable. It has the look of innocence, as if Montasser Sudang didn’t know the end was near.”

–“An innocent man,” Philippine Daily Inquirer editorial

Noong una, natatawa pa ako sa balitang ang militar ay may inilabas na bio-data ng napatay na suspek sa pambobomba sa Davao International Airport. Kasi naman, yung bio-data na nabanggit ay pinalalabas ng militar na apllication or information sheet ni Montasser sa Moro Islamic Liberation Front (MILF). Pero, hello?! Di ba napakakakaiba na ang isang rebolusyunaryong grupo tulad ng MILF ay magpa-file ng biodata ng mga miyembro nito na parang ito’y isang student org sa unibersidad?

Ang mas nakakatawa pa riyan, sa nasabing data sheet–na umano’y nakuha ng militar pagkatapos ng isang sagupaan tatlong taon na ang nakalilipas–ay kakaiba ang baybay ng pangalan ni Montasser–ang nakalagay ay Muntaser, Sudang–at may comma pa sa pagitan ng first at last name. Bulok din ang form, sapagkat ang ibang fields ay may typo errors pa. Walang lagda si Montasser, at wala ring nakalagda sa field na “Certified true and correct by:” sa ibaba ng kanyang datos.

So, alam mo yun, nakakatawa talaga kung gaano kadesperado ang militar para idiin at iugnay sa MILF yung pobreng patay na biktima ng pambobomba. Parang pang-“Onli in da Pilipins” talaga.

Pero hindi na ako natawa nang marinig ko ang balitang ang ama ni Montasser at ang kanyang tiyo ay dinakip at ikinulong na rin. Lalo pa nang mabalitaan kong kapapanganak lang kanyang 15 taong gulang na asawa.

Ayon sa mga kaibigan at kamag-anak ni Montasser na nakapanayam ng Inquirer, excited ang lalaki sapagkat unang beses niyang makakarating sa Lungsod ng Davao para sunduin ang kanyang pinsan. Sumitar pa siya ng jeep at nagsama ng 29 na kamag-anak, kabilang ang ilang bata.

Maging ang meyor ng Hilagang Cotabato, ang bayan ni Montasser, ay nagsabing kaya niyang patunayan sa pamamagitan ng mga tunay at legal na dokumento, na ang biktima–o suspek ng militar–ay isang simple at mapayapang mamamayan.

Ngunit sa kanyang kamatayan, si Montasser Sudang, 23, ay ayaw bigyan ng mapayapang paghimlay ng mga maykapangyarihan.


Ederic Eder

Ederic is a Filipino communications worker in the telecom, media, and technology industry. He writes about K-dramas and Korean celebrities for Hallyudorama.

He used to be a social media manager for news at GMA Network, where he also headed YouScoop, GMA News and Public Affairs’ citizen journalism arm.

He was with Yahoo! Philippines for more than three years before returning to GMA Network, where he was also previously part of the News Research section.

Author posts
Related Posts

Privacy Preference Center