Akala ko, ‘di na ako ilag sa mga coño, rich kids na sosi, yung mga tipong tumatambay sa AS steps sa UP). Hindi pala.

Kahapon, pinagbigyan ko ang sarili at nagpasarap sandali sa paborito kong kainan ng pancakes sa Glorietta. Nang matapos ay umakyat ako sa G4 at nag-surf sa Universe cybercafe para tingnan at bagong isyu ng Tinig.com at mag-check ng e-mail.

Maya-maya, nag-ring ang telepono ng isang babae sa aking likuran. Nagsimula siyang makipag-usap sa tinig na naririnig sa buong cafe. Pagkatapos ay lumipat siya at nakipag-chikahan sa isang mukhang bading na lalaki. Malakas ang usapan nila, at nag-iinglesan ang mga damontres. Kahit napansin nilang tumitingin na ang ilang surfers sa kanila, diretso lang. Parang, 5:30 na, tuluy-tuloy pa pa rin ang chika! At parang sila lang ang tao roon. Napaka-insensitive!

Maya-maya’y nag-hang ang computer na ginagamit ko, at umalis ako upang iwan ang mga maiingay na co�o.


Ederic Eder

Ederic is a Filipino communications worker in the telecom, media, and technology industry. He writes about K-dramas and Korean celebrities for Hallyudorama.

He used to be a social media manager for news at GMA Network, where he also headed YouScoop, GMA News and Public Affairs’ citizen journalism arm.

He was with Yahoo! Philippines for more than three years before returning to GMA Network, where he was also previously part of the News Research section.

Author posts
Related Posts

Privacy Preference Center