“I wanna go out! Stupid rally.”

Sa pagsubaybay ko kahapon sa reaksyon ng Twitteria* sa rally sa Makati, isa ang pahayag sa itaas sa mga natanggap ko sa aking telepono. Kinikilala ko ang karapatan nila sa kanilang opinyon, pero dahil open to the public ang tweets** nila, pahintulutan ninyong sagutin ko sila rito. Hindi ko na ili-link sa profile nila. Hanapin ninyo na lang kung nais ninyo.

Sa unang twit: Kawawa ka naman. Hindi ka nakagimik because of that stupid rally. Sana you went out to Ayala Avenue and made baka na lang. Better do a stupid thing than tolerate evil, di ba?

“Ugh. Rally again. Those bloody bastards wouldn’t leave Makati alone.”

Ay, kasi po, guwardiyado ng estado ang EDSA Shrine. Alam ninyo naman, may mga taong galit at takot sa People Power.

“What’s happening there in PH? Our tour guide in south africa told me there’s a rally again. :(“

Uso pa rin kasi ang pandaraya, pagsisinungaling at pangugurakot. Balik ka na kasi, para makita mo.

“watching democracy in action (or run amok) from my condo balcony looking at makati ave & ayala ave.”

Wow, sarap naman. Sana may camera ka. By the way, democracy in action ang ganyan, ayon sa gobyerno. Sabi ng isang Philippine Information Agency press release tungkol sa mga rally na reaksyon ng mga mamamayan sa “Hello, Garci?” scandal noong 2005: “Democracy is alive and working in the country. That some segments of the populace are in the streets protesting against the President and demanding her to step down, is a proof that it is working.”

“We accept peaceful demonstrations as part of our democracy,” ayon naman kay Presidential Spokesperson Ignacio Bunye.

Sabi naman ng Article 3, Section 4 ng Saligang Batas ng Pilipinas: “No law shall be passed abridging the freedom of speech, of expression, or of the press, or the right of the people peaceably to assemble and petition the Government for redress of grievances.”

Balik tayo sa tweets:

“konti ng tao sa mrt! yey!”

Hehe, ansaya-saya, no?

“… thinking the rally should be ending by now. Hey, rallyists, your permit has already expired!”

Ikaw naman. Masyado kang apurado. Eh, kung si Gloria nga, ani Erap nga lang, e overstaying na, ano ba naman yung ilang minutong pasobra para sa gawaing may basbas ng Konstitusyon? Saka nagbayad naman sila ng buwis na ipinamasahe ni Gloria papuntang China, di ba?

And speaking of Erap, kakaiba rin si Binay. Bigla ba namang tinawag sa entablado at pinagsalita sina dating Pangulong Cory Aquino at Joseph Estrada, tapos dinedma si Pangalawang Pangulong Teofisto Guingona! Sabi sa mga report, dapat walang pulitikong magsasalita sa prayer rally. Pero nangyari nga. Tuloy, ang reaksyon sa Twitteria ay ganito:

“@ederic hahaha.. sasama sana ako sa rally kaso baka mapasigaw ako ng “ERAP RESIGN!”

Dapat, taga-joke lang si Erap, hehehe.

“Look at the personalities in the rally — opposition leaders — who were ousted in the last People Power. What gives? Filipinos forget!”

Oo nga, sobrang malilimutin tayong mga Pinoy. Kahit nga “Hello, Garci?” na two years ago pa lang, nalimutan na natin agad!

At sa mga nagrereklamo tungkol sa rally, ganito ang twit ni Gabe Mercado:

“These rallies are our reaction to the rape of our country. You’re complaining that the rape victim is crying too loudly.”

Amen. Amen.

——-

Twitteria – “daigdig” ng Twitter; kasapian ng Twitter.com, isang micro-blogging service

tweets – mga mensaheng ipinost sa Twitter.com

***

Eto naman ang ilang entries tungkol sa Ayala rally kahapon mula sa ilang sikat na bloggers:

Tonyo Cruz – MALAYA: From all sectors they come (to Ayala interfaith rally)

Ellen Tordesillas – Makati rally draws huge crowd

Noemi Dado – Interfaith rally in Ayala Avenue, Makati

Manolo Quezon – A throne of bayonets


Ederic Eder

Ederic is a Filipino communications worker in the telecom, media, and technology industry. He writes about K-dramas and Korean celebrities for Hallyudorama.

He used to be a social media manager for news at GMA Network, where he also headed YouScoop, GMA News and Public Affairs’ citizen journalism arm.

He was with Yahoo! Philippines for more than three years before returning to GMA Network, where he was also previously part of the News Research section.

Author posts
Related Posts

Privacy Preference Center