Marahil dahil katatapos lang nating gunitain ng Araw ni Senador Ninoy Aquino at ng Araw ng mga Bayani, tungkol sa mga bayani ang bagong article ng guro kong si Prof. Luis Teodoro — na kakapagdiwang lang ng kanyang kaarawan. Ganito ang bahagi ng isinulat niya:
Heroes all in the public mind and eye, what Rizal, Luna, Bonifacio, and Aquino seem to have had in common was how far they were from the perfection people assume heroes to be.
But there’s another sense in which they seemed to have been so much like the rest of us, and it’s in their having shared the same impatience, anger and outrage over injustice and misery many people do experience.
At dagdag pa niya, na sinasang-ayunan ko rin:
What made them different, however, was that they did something about it, and they did so despite the peril to life, liberty and fortune that writing a book, organizing a revolutionary organization, taking up the gun and leading men in battle, and even the simple act of coming home offered.
Apparently that’s much more than what most people are prepared to do, however. In the Philippine age of apathy, so few are prepared to risk much less than life, liberty or fortune to contribute their warm bodies to a demonstration or to even write a letter to the newspapers, outraged as they may be over high prices, poverty, corruption, injustice, and putrid governance.
Sobrang totoo iyan. Gaya nito: ‘I wanna go out! Stupid rally.’
Di na nga yata uso ang mga bayani sa panahon natin. Di nga ba’t kapag may mga nagmamagandang-loob na tumulong, pinagtatawanan at tinatawag na “nagpapakabayani”? At kapag may mga taxi na driver na nagsosoli ng mga naiwan ng mga pasahero, sa pagiging kakaiba (oddity) ng pangyayari ay nagiging news item ito?
Sa kabilang banda, may natitira pa ring Bayani — yung nakikita nating ang mga tauhan ay nanghaharibo ng mga nagpipilit magpakabuhay na mararalitang taga-lungsod sa kalsada, may mala-Big Brother posters sa EDSA, at kumakanta nang may ka-duet sa telebisyon. Balita ko, gustong maging pangulo ng Bayaning ito.

Ederic Eder
Ederic is a Filipino communications worker in the telecom, media, and technology industry. He writes about K-dramas and Korean celebrities for Hallyudorama.
He used to be a social media manager for news at GMA Network, where he also headed YouScoop, GMA News and Public Affairs’ citizen journalism arm.
He was with Yahoo! Philippines for more than three years before returning to GMA Network, where he was also previously part of the News Research section.
Related Posts
May 31, 2023
Converge launches campaign for mothers
Converge launched a campaign for underprivileged mothers under Caritas Manila.
May 10, 2020
Panoorin ang ‘Katipunan’
Itinatampok sa "Katipunan" ang buhay at pag-ibig ni Gat Andres Bonifacio.
January 13, 2020
MVP Group brings aid to areas affected by Taal eruption
Tulong Kapatid, the consortium of companies and foundations of businessman…
marahil ang pilipno ay likas na bayani. dahil lahat ay gagawin niya para sa kanyang bayan at pamilya.nasa lahi natin ang pagiging isang bayani noong pang panahon ng ating ninuno. dahil dito ayaw nating matapakan ng kahit na sinong dayuhan.ang pinagkaibahan lang sa panahon na ito. marami na ang pinagbago ng ating lahi. nariyan na ang dugo ng mga dayuhan sa atin. siguro nga maging praktical na lamang tayo ngayon dahil sa hirap ng buhay sa atin. kung ang goberno natin ay pangalahan lang ang ating ugali at magandang asal na minana natin sa ating mga unang ninuno sana wala ng kurakot ngayon sa ating goberyo.Discipline and honesty in public service are the most important for a government to survive. sa ating sitwasyon nganon wala na yatang gusto tulungan ng mga taga goberno ang ating kababayan
Siguro Ederic, iba na talaga ang panahon ngayon. Mas nagiging praktikal na tayo at uunahin muna natin na may makain tayo at mapag-aral ang mga bata.
Kapag nawawalan ng pag-asa sa gobyerno, karaniwang naiisip ay sa susunod na eleksyon tayo babawi o ilipat ng ibang bansa ang mga anak.
Ngunit, kahit paano, may mga tao pa ring lumalaban. Lahat ng ginagawa ng bawat isa sa atin ay may may epekto sa nangyayari ngayon, mapa-ekonomika o sitwasyon pulitika ng bansa.
Janette Torals last blog post..Testimonial for Blogging from Home