Masaya dapat ang buong araw ko. Mataas ang ratings ng unang paglabas ng programa namin (maraming salamat sa lahat ng mga nanood, alam na ninyo kung sino kayo), inayos ang sistema ng trabaho sa opisina, at higit sa lahat, suweldo bukas, kahit may bagong deadline.
Pero dahil wala siya, medyo matamlay ang araw ko. Hindi ako nag-iinarte lang. Malungkot ako nung kumain sa canteen dahil nag-iisa lang ako kasi umuwi siya sa kanila ngayong araw na ito (Shit, I sound like a 15-year old high school boyfriend!). Tapos, sa kabila ng pag-aayos, medyo parang may gulo pa rin sa trabaho. Saka bukas pa ang suweldo’t ubos na naman ang pera ko.
So pagdating ko ng bahay, sa wakas ay naka-text ako sa kanya. Pero wala na, bad trip na siya kasi di ako sumasagot. Paano makakasagot kung walang load? Paano makakatawag kung tinanggal na ng PLDT ang NDD ko?
Ewan ko. Lalabas siguro ako para maghanap ng Fonkard. Maaga pa naman, hatinggabi pa lang.
Dapat masaya ang gabi ko, kasi usually, sweet kami kahit wala siya rito nang ganitong mga araw, pero hindi.
Tapos, ang nagngangangawa pa sa TV mo, mga pulitikong napipilit na i-justify ang pagiging batterfly. Sabagay, medyo nakakaaliw rin. Hulaan ninyo kung sinu-sino:
* Isang artistang naging kalaban ni Darna na gustong maging senador. Nagpipilit siyang mag-English pero halatang mas magiging magaling kung magta-Tagalog na lang.
* Isang taga-administrasyon na kahit opisyal ng partido ay iniwan ng grupo at pinalitan ng isang mabalasik na dating senadorang kanina lamang nakapili kung saan siya kakampi.
* Isang brodkaster na noo’y naging narrator ng VCD ng pangunahing tauhan noon sa oposisyon at ngayon, kung magsalita’y laging isinasaksak sa pangungusap ang kanilang partido at ang kanilang kandidato sa pagkapangulo(Nangangampanya na, sabi nga ng isang host).
* Isang dating taga-administrasyon na bigla na lamang napunta sa isang paksyon ng oposisyon at nagkakada-pilipit ang dila sa pagpapaliwanag kung bakit siya lumipat.
* Isang dating opisyal ng dating administrasyon na bumaligtad noong panahon ng pag-aalsa, at (kung hindi ako nagkakamali ay) tumakbo kasama ng mga kakamping iniwan niya, pero natalo. Ngayon, bumaligtad na ulit siya.
Ang makahula, papasahan ko ng load.
Aww, shit, ako nga pala ang nangangailangan ng pasaload: 091x-xxxxxxx.
Joke lang, baka naman seryosohin ninyo. Sige, labas muna ako. Sana walang multo (multong tao) sa labas!
Ederic Eder
Ederic is a Filipino communications worker in the telecom, media, and technology industry. He writes about K-dramas and Korean celebrities for Hallyudorama.
He used to be a social media manager for news at GMA Network, where he also headed YouScoop, GMA News and Public Affairs’ citizen journalism arm.
He was with Yahoo! Philippines for more than three years before returning to GMA Network, where he was also previously part of the News Research section.
Related Posts
October 5, 2021
Kompleto na ang COVID-19 Vaccine Shots Ko
Nakompleto ko na ang dalawang doses ng COVID-19 vaccine. Ikaw ba? Kung hindi…
hehehe! nakarelate ako don ah. malimit wala rin akong load eh. kaya salamat sa chikka.com at nakakatext ako ng libre.