This is a DigitalFilipino.com Club sponsored post for Filipinovillage.com

May ilang taon na ang nakalilipas, may isang website na nag-o-offer ng libreng hosting at iba pang serbisyo. Nayon.com ang pangalan nito. Kapag sinabi ang salitang nayon, ang maiisip mo ay ang kabukiran. Maaaring sabihing ang nayon ay village o barangay sa probinsya. Kung tama pa ang pagkakaalala ko, ang nais palabasing konspeto ng website na ito ay isang online community — isang online village, to be particular. Kaya lang, kalaunan ay nawala ang website na ito. Kapag pinuntahan mo ang domain ngayon, may for-sale offer na.

Marami na ngayong ibang website na may kaparehong konsepto, at isa sa mga ito ang FilipinoVillage.com. Tinatawag ang FilipinoVillage.com ng mga may-ari nito na “the Global Filipino Village Online.” Isa itong portal “built like a digital village with buildings representing commerce, finance, education, information, philanthropy, social interaction and community.”

Gaya ng alinmang community, may puwang ang FilipinoVillage.com para sa mga anunsyo at patalastas. Tinutulungan nito ang mga Pilipino — lalo na iyong mga nasa ibang bansa — na ipagmalaki at ipamalita ang kanilang mga gawain at pinagkakaabalahan, produkto, serbisyo, balita, at iba pa.

Kaya kung may event kang pinaghahandaan, huwag nang mahiya. Add your Filipino event to the website’s listings. Libre naman iyan.