‘Yan ang ginamit kong title dahil baka may usiserong makisilip at mapalayas pa ako rito sa Internet cafe na pinagsu-surf-an ko ngayon. Ikaw ba naman ang may katabing naka-shades sa isang may kadilimang silid na puno ng computers at makita mo ang taong ito na nagbabasa o nagsusulat ng tungkol sa sore eyes, kung hindi ka mapapatakbo palabas ng cafe.

Ilang araw na akong nagsi-self exile sa isang lugar sa dulo ng Kamaynilaan dahil ayokong magkalat ng virus o bacteria, kung anuman ito. Pero dahil di makatiis nang hindi nagche-check ng Gmail at kung anu-ano pa, eto na naman ako.

Habang nagpapagaling ng mapupulang mga mata, ang libangan ko’y tumunganga sa kuwarto ko, tumunganga sa harap ng telebisyon upang panoorin halos lahat ng palabas sa GMA Kapuso Network sa pagitan ng soap opera bago mag-Joyride hanggang Txtube, mag-blog sa Wireless Journal, at magbasa ng Microserfs ni Douglas Coupland na bigay ni Mhay. Siyempre, nangungulit ng mga tao sa text, at kumain at matulog.

Nami-miss ko na ang mahal ko. Nami-miss ko na ang trabaho. Nami-miss ko ang sibilisasyon. Para namang walang sibilisasyon dito, ano? Eh kung ganoon, paano kaya ako nakakapag-blog? Hehehe.

Dumaan ako sa blog ni Dr. Emer at gaya ng inaasahan ko, may post siya tungkol sa dinaramdam ko ngayon. Uso nga ito. Epidemya na nga.

Kaiingat kayo!


Ederic Eder

Ederic is a Filipino communications worker in the telecom, media, and technology industry. He writes about K-dramas and Korean celebrities for Hallyudorama.

He used to be a social media manager for news at GMA Network, where he also headed YouScoop, GMA News and Public Affairs’ citizen journalism arm.

He was with Yahoo! Philippines for more than three years before returning to GMA Network, where he was also previously part of the News Research section.

Author posts
Related Posts

Privacy Preference Center