May isang bisitang nag-comment sa entry ko na Sino si Eddie Gil?:

will you please send me the educational background and personal achievements of eddie gil and also dont forget his government platform why dont you post it natatakot ba kayo god ang hirap maghanap pano namin malalaman kung karapat dapat siyang iboto kung walang imformation tungkol sa kanya and please write it in ENGLISH not in tagalog ok.please i need it tomorrow for my defense ok. Please defend your candidate for him to win.OKOKOKOKOKOKOKOKKKKKKO(OOOOOOOKKKOKO

Posted by: sti student_15 at February 29, 2004 08:06 PM


Usually, mabait ako sa mga bisita sa site ko. Pero kapag medyo bastos na gaya nito, minsa’y napipikon ako. Eto tuloy ang sagot ko:

sti_student15,

Aba masaya ka! Humihingi ka na lang ng pabor, inuutusan mo pa ako! Hindi ako nag-aral nang apat na taon sa Unibersidad ng Pilipinas para lang utusan mong mag-English. Kung nakakabasa ka ng Tagalog, at kung hindi ka tatanga-tanga, malalaman mong hindi ko ikinakampanya si Eddie Gil.

Next time, magbasa-basa ka muna bago ka mag-post.

Ederic Eder

Mas mabait na ako niyan, sa palagay ko. Basahin ito.

Join the Conversation

6 Comments

Post a reply

  1. Katakot takot naman yung mga nag popost dito. di man lang magbabasa bago magpost. Di ba nila alam na personal weblogs to at ang pwede lang gawin ay magbasa at mag post lang ng personal comment. Kinawawa nyo naman masyado si Ederic. Sige Ederic, pagsabihan mo nga mga yan, kala mo kung sinong mag-utos, lalo na yung mga students, mag-isip naman kayo, tapos na kami dyan pinagdaanan na namin yan. Gamitin nyo naman utak paminsan minsan.

    O i-check nyo tong blogs na to for more information sa mga candidates, may kasama pang analysis:
    http://crazypundit.typepad.com/blog/2004/01/analysing_the_2.html

    Basta next time, huwag nyong namang utos-utusan si Ederic. Babuu!

  2. Ay sus ginoo, wala yatang nakakaalam kung ano ang weblog sa eskwela nila. Hehehe.

    Parang katulad yan nitong entry ko tungkol sa napanood kong game ni Jimmy Alapag dati. Ang daming mga comments na “naliligaw.” Hehehe.

  3. pagbigyan na natin. taga-STI naman pala. mas malala pa sa AMA….ang sama ko talaga! hehehehehe.

    pero ito yung di ko magagawa. napakademanding ng tutoy na ire! dapat dine e papurgahin nang buong araw!

  4. Mabait ka nga. Diplomatiko at magalang. Pag-aaralan ko yang technique mo. Malupit kasi ako sa mga ganyan. Niluluray-luray ko he he he

    Isa sa mga araw na ito, may magco-comment pa dyan na hiningingi yung materials mo dahil may college paper or thesis na due at ayaw mag-lib. Hayop sa free ride.