Lights! Camera! Elections!
Nakilala natin sila sa BIO-DATA at nalaman natin ang kanilang mga PANININDIGAN. Ngayon, tunghayan naman natin kung ano ang kakaharapin ng papalaring kandidato sa pagkapangulo kapag siya ay naluklok sa tungkulin.
Samahan ang mga batikang mamamahayag ng GMA News and Public Affairs—sina Mike Enriquez, Jessica Soho, Arnold Clavio, Vicky Morales at Mel Tiangco sa “Wanted: President” sa kanilang pagtalakay sa mga tungkulin, pananagutan, at pribelihiyong kaakibat ng pagiging Pangulo ng Pilipinas!
Huwag kaligtaan ang unang pagsasahimpapawid ng “Wanted President”: Lilibutin natin ang Malacañang at aalamin kung gaano kaginhawa o kahirap ang pagtira rito; babalikan ang panunumpa at ang unang araw ng mga dating Pangulo; at itatampok ang mga isyung papasanin ng susunod na Pangulo. Ang lahat ng iyan ngayong gabi pagkatapos ng Saksi sa GMA-7! Isa na na namang serbisyong totoo para sa inyo, mga Kapuso!
Kita-kits. Nakisawsaw ako sa pagbubuo ng palabas na ito kaya dapat panoorin ninyo. 🙂

Ederic Eder
Ederic is a Filipino communications worker in the telecom, media, and technology industry. He writes about K-dramas and Korean celebrities for Hallyudorama.
He used to be a social media manager for news at GMA Network, where he also headed YouScoop, GMA News and Public Affairs’ citizen journalism arm.
He was with Yahoo! Philippines for more than three years before returning to GMA Network, where he was also previously part of the News Research section.
Related Posts
November 19, 2024
Films for International Men’s Day on Lionsgate Play
Witness powerful stories of strength, resilience, and brotherhood.
August 29, 2024
‘Joy Ride’ premieres November on Lionsgate Play
Irreverent comedy features four unlikely friends' unforgettable international…
May 12, 2024
Heartfelt movies and series for mom on Lionsgate Play
Celebrate moms with laughter, tears, and heartwarming stories.
[…] Network. Para ito sa mga programang “Bio-Data,” “Paninindigan,” at “Wanted: President” noong 2004. Sa “Bio-Data,” kinilala at kinilatis ang mga tumatakbong pangulo at […]
Election trivia from Filipino bloggers
Marvin has something interesting on Eddie Villanueva and wonders if he will apooint Jesus Christ to his Cabinet if her wins. In “Excuse Letter”, The Cat summarizes lame excuses everytime he shirks away from responsibilities. Ederic is plugging a new TV…
I thinked FPJ was a little nervous on that day and had a feeling that this reporter Sandra was disturbing him. What happened was not a big deal,”forgive and forget”
The people in our country should focus their attentions now sa bilangan ng countings without cheatings. May the best candidates in their own categories win and that they can really help our country.Peace be with you and “Bless the Philippines
pede ba phingi ng summary ng Paninindigan? I really need to get a copy nung summary ng opinions nila about the social and economic issues in our country…thanks!
pde bang mkuha ung summary ng interview kay Eddie Gil, nkakatuwa dw e. ung interview lang pde na.
Magandang balita! aka-post na sa website ng INQ& ang video ng nakalipas na episode ng Wanted: President.
Pumunta lamang sa http://ruby.inq7.net/specialfeatures/eleksyon2004/display.php?fld=gmavideo&art=index.htm.
pls magsend naman kayo ng summary ng wanted president tungkol sa topic nyo noong tuesday kasi yan din topic namain ngayon pls lng po antayin namin
HEY NA MISSED KO UNG DOCUMENTARY EH… NA WANTED PRESIDENT. PEDE BA PADALHAN MO ME SA EMAIL KO NG SUMMARY ABOUT IT. PLEASE LNG KC TOPIC SA CLASS NAMIN UN EH…. FAVORITE SUBJECT KO KC ANG POLSCI. NA MISSED KO UNG SHOW AYOKO NAMAN NA MAPAGIWANAN. PAGOD KC ME UNG IPINALABAS UN, WORKING STUDENT KC AKO. PPLEASE LNG…. AANTAYIN KO ANG EMAIL MO. SALAMAT NG MARAMI GOD BLESS…=)
Ay, napanood ko yan kagabi. Nag-plug din kasi si Manolo Quezon sa blog nya. Sabi ko papanoorin ko siya. Kagabi ko lang nalaman na ang Malakanyang pala ay hango sa “May lakan dyan” (a powerful peron lives there).
at last, na-open ko rin website mo, dad.
😉