Noong kumalat ang balitang sasama na kay Fernando Poe, Jr ang paborito kong si Vice President Teofisto Guingona bago ang halalang 2004, natanggap ko ang text ni Jason na nagtatanong kung bakit napunta sa kampo si FPJ si VP. Hindi ko rin alam. Hindi ko rin ito maipaliwanag noon.
Naiintindihan at sinusuportahan ko ang kagustuhan ng Pangalawang Pangulo na maisulong ang isang makabayang ekonomiya, pero nagulat ako nang lumipat siya sa kampo ni FPJ matapos niyang umalis sa Lakas-CMD. Nanghinayang ako.
Oo’t malabo na siyang makatakbo at manalo sa pagkapangulo noon, pero sa tingin ko’y naging mas makapangyarihang tinig sana si VP bilang pinuno ng kilusang Bangon, na noo’y nagbuklod-buklod sa lahat ng mga makabayang personalidad mula sa iba’t ibang kulay ng polical spectrum.
Kung nanatili siya sa Bangon, maaari pa nga sigurong maisulong ang kilusang ito bilang pangunahing grupo sa iminumungkahing bagong transition o unity government noong kasagsagan ng panawagan sa pagbibitiw ng nakaupong pangulo dahil sa Hello Garci.
Pero ‘yun nga, sumama siya kay FPJ. Sumunod pa nga si Loren Legarda, na tumakbong pangalawang pangulo ni Da King. Sa bandang huli, ang inisip ko na lamang ay nagkipagkompromiso sina VP at Loren para rin sa bansa. Kako, ang pagtawid nila sa kampo ni FPJ ay isang makabayang hakbang sapagkat nakita na nilang ang taumbayan ay para kay FPJ–kahit nariyan naman noon sina Raul Roco at Eddie Villanueva na mga People Power people rin–kaya’t sinamahan nila ang Da King para masigurong magiging tunay na para sa bayan ang administrasyong Poe. Kaso lang, na-Hello Garci sina FPJ at Loren.
Muling bumalik si VP Guingona sa kalsada kasama ang mga tibak pagkatapos ng halalang iyon. Muli siyang nakita ng marami bilang isang maliwanag na tinig sa kadilimang isinabog ng mga kasabwat ni Garci.
Hanggang nitong linggong ito, nang mabasa natin ang mga ganitong balita:
[F]ormer vice president Teofisto Guingona, who delivered the “I accuse the president” speech which sparked the Estrada impeachment trial in 2000, said deposed leader was already a changed man.
“He’s been down for more than five years. He found a new life in his own private life. Let freedom be … give justice to Erap,” said Guingona. (GMANews.tv)
“Free Estrada” na ang sigaw ngayon ni VP.
Bilang isang taong may mga malalapit na kaibigan, naiintindihan kong bilang kaibigan ni Estrada, maaaring nag-aalala si VP para kay Erap, lalo’t tumatanda na rin naman ang napatalsik na pangulo.
Pero bilang isang kabataang naki-jamming sa EDSA Dos at humanga sa katapangang ipinakita ni VP Guingona nang kanyang i-“I Accuse” ang isang kaibigan, naiiwan akong nagtatanong ngayon: “Bakit, VP?”
Ederic Eder
Ederic is a Filipino communications worker in the telecom, media, and technology industry. He writes about K-dramas and Korean celebrities for Hallyudorama.
He used to be a social media manager for news at GMA Network, where he also headed YouScoop, GMA News and Public Affairs’ citizen journalism arm.
He was with Yahoo! Philippines for more than three years before returning to GMA Network, where he was also previously part of the News Research section.
Related Posts
June 23, 2024
Liza Soberano’s ‘summer beyond compare’ with Deoproce
Deoproce introduces its UV Defence Line.
June 16, 2024
A hero’s sacrifice
Toil and trials mark the journey of Charly Rivera, a remarkable father of four.
May 12, 2024
Converge celebrates selfless love this Mother’s Day
Converge pays tribute to courageous mothers and maternal figures.
Bakit naman? :p
wala lang polotics nakakasawang topic yan, lalo na sa pilipinas, maraming ahas na kaibigan, maraming
ljo;io’ol