Dahil sa pagsusulong ng mga mambabatas na kaalyado ni Pangulong Arroyo sa constituent assembly, binansagan ng ilan na Bastusang Pambansa ang institusyong dating tinawag na Batasang Pambansa. Ang mga congressman na nagsusulong ng con-ass, natawag namang con-asses.

Bakit nga ba ayaw na ayaw natin sa con-ass?

Hmm, kailangan pa bang i-memorize yan?

Kahit obvious sa mga survey na ayaw ng mga Pinoy sa Charter change sa panahong ito, wala pa ring nakapigil sa mga congressman. Pakiramdam natin, kapag naging con-ass na ang Kongreso — o ang House of Representatives, kapag di sila sinamahan ng mga Senator — may gagawing magic ang mga congressman para ma-extend ang term ng kanilang bosing, pati na rin ang sa kanila.

Kahit pa inilagay nila sa ng HR 1109 na hindi papakialaman ng Charter change ang termino ng mga opisyal, at matutuloy ang eleksyon sa isang taon, duda pa rin tayo. Kung si Gloria na mismo, nagsinungaling sa birthday ni Rizal noong 2002 tungkol sa kanyang pagtakbo, e di mas lalo na ang mga alipores niya!

Bukod sa pagtanggal ng term limits, maaari pang pakialaman ng mga congressman ang ibang probisyon ng Konstitusyon. Baka ang “Bill of Rights” ay dagdagan nila ng mga “buts” at “excepts.”

Puwede rin nilang tanggalin ang mga makabayang probisyon para 100 percent nang mapagpiyestahan ng mga dayuhan ang ating resources. Kung mangyayari ang ganito, sabi nga ni Kabataan Party Rep. Mong Palatino, “It’s sell-out, it’s treason, it’s anti-Filipino, it’s anti-poor.”

Matagal nang nananawagan si dating Pangalawang Pangulong Teofisto Guingona tungkol sa mga ganitong pagtatangkang isuko ang ating pambansang patrimonya. Sabi niya noon:

Stand up against the attempts to open up our land, mineral and marine resources for foreigners and rich multinational corporations can come in and exploit our national patrimony.

Because you, our youth, are idealistic and visionary, you have the power and the potential to build the future not only of your family but also of the community and the nation.

Nangangamba tayo ngayon na baka bukas, sa SONA ni Gloria, ay i-convene na ng mga alipores niya ang con-ass. Kaya nga nagdeklara tayo ng Blog Action Day sa araw na ito, para maiparating sa maraming tao ang ating panawagan at maramdaman ng Kongreso ang pagtutol ng mga mamamayan sa con-ass.

Gusto natin ng change, pero hindi ng Charger change.

Kababalik ko nga lang mula sa bloggers at Facebook users EB na bahagi ng Blog Action Day. Naroon sina Karl at Andre ng Facebook group na Pilipinas Kontra Con-Ass at ang mga kasamahan ko sa Bloggers Kapihan na sina Rep. Mong, Tonyo, at Sarah. Nakasama rin namin ang peryodistang si Dana. Nakaalis na ako bago dumating ang iba pang participants.

Dapat ay sa EDSA Shrine gaganapin ang EB, pero naging maulan ang panahon, at guwardiyado ng kapulisan ang shrine. Dinala na lang namin ang EB sa Krispy Kreme sa loob ng Robinson’s Galleria.


Ederic Eder

Ederic is a Filipino communications worker in the telecom, media, and technology industry. He writes about K-dramas and Korean celebrities for Hallyudorama.

He used to be a social media manager for news at GMA Network, where he also headed YouScoop, GMA News and Public Affairs’ citizen journalism arm.

He was with Yahoo! Philippines for more than three years before returning to GMA Network, where he was also previously part of the News Research section.

Author posts
Related Posts

Privacy Preference Center