Ito ‘yong isa sa mga araw na ‘di mo gugustuhing manood o magbasa ng balita. Sumilip ako kanina sa Twitter, at sumama ang loob ko.
Inilibing kanina si Baby River, ang tatlong buwang gulang na anak ni Reina Mae Nasino, 23, isang aktibistang inaresto sa Maynila noong Nobyembre 2019.
Kinasuhan si Reina Mae ng illegal possession of fire arms and explosives. Ayon sa mga abogado niya, planted ang mga ebidensiya laban sa kaniya.
(Naalala ko si Sen. Leila de Lima — na nag-imbestiga sa umano’y extrajudicial killings sa Davao. Ilang taon na rin siyang political detainee matapos ikulong dahil sa drug-related case.)
Ihinatid ni Reina Mae Nasino sa huling hantungan si Baby River na siya’y nakaposas at naka-full personal protective equipment.
Ang sa una’y tatlong araw sa paglabas ni Reina Mae para sa burol ng anak, ginawang anim na oras na lang.
Ang lola ng sanggol, lumuhod sa harap ng mga pulis upang payagan silang simulan nang mas maaga ang prusisyon ng libing.
WATCH: Marites Asis begs and kneels in front of police to allow them to bring baby River to Manila North Cemetery. Police initially insisted on 1pm timeline but relented. pic.twitter.com/FSCrrs1EFH
— Mike Navallo (@mikenavallo) October 16, 2020
Habang lumalakad naman ang funeral march, humarurot ang karo at iniwan ang nagluluksang pamilya.
Supporters had to ask the driver to slow down because detained activist Reina Mae Nasino’s family was behind the vehicle carrying Baby River’s remains | @anjocalimario pic.twitter.com/GybVBC0Vqd
— CNN Philippines (@cnnphilippines) October 16, 2020
Sino ang hindi magagalit sa ganitong mga katampalasanan sa mga taong nawalan ng mahal sa buhay?
Hindi ganito ang pagtrato ng mga awtoridad sa mga akusado at nahatulang mga taong kilala sa lipunan. Espesyal sila, lalo na ‘pag kakampi ng nasa kapangyarihan.
Reina Mae lays her baby to rest at Manila North Cemetery. Hanggang sa huli, hindi siya kinalagan ng posas para mayakap ang kabaong ng anak niya sa huling pagkakataon. Ganito kalupit kapag hindi Arroyo, Enrile o Revilla ang apelyido mo. pic.twitter.com/ygcT71G0Ah
— Maria Sol Taule (@soltaule) October 16, 2020
Sa panahon ngayon, kapag nasusubaybayan mo ang iba’t ibang isyu sa bayang ito, mahihirapan kang hindi magalit sa mga nangyayari.
Hindi nakapagtatakang trending na naman ang #OustDuterte.

Ederic Eder
Ederic is a Filipino communications worker in the telecom, media, and technology industry. He writes about K-dramas and Korean celebrities for Hallyudorama.
He used to be a social media manager for news at GMA Network, where he also headed YouScoop, GMA News and Public Affairs’ citizen journalism arm.
He was with Yahoo! Philippines for more than three years before returning to GMA Network, where he was also previously part of the News Research section.
Related Posts
February 23, 2025
Tsek.ph relaunch: A ‘powerful force’ vs. misinformation
IFCN's Angie Drobnic Holan lauds relaunch of Tsek.ph.
December 12, 2023
DOH, groups sign smoke and vape-free pledge
They want public policies for smoke-free and vape-free environments.