Kasalukuyang pinag-uusapan ngayon ng House Committee on Justice kung sufficient in form and substance ba ang impeachment complaint laban kay Gloria Arroyo. Siyempre, gusto nating umabot sa Senado ang impeachment, para sa–sabi nga last year ng congressman namin sa Marinduque na si Edmund Reyes–katotohanan.

Kaya lang mukhang mas maraming sa mga kasapi ng nasabing committee ang alipores ni Gloria. Naisip ko, kung ipagdarasal natin na maisulong ang impeachment, mangyari kaya? Di ba’t nasa Diyos ang awa, nasa tao ang ngawa–err, gawa?

So kung naisin man ng Panginoon na maipasa ang impeachment, kung ayaw naman ng mga congressmen–na biniyayaan ng Diyos ng freewill, pero maaaring biniyayaan na rin ng Palasyo ng padulas–may mangyayari pa rin ba?

O sadyang magiging mas malakas ang panalangin ng mga obispong ayaw sa impeachment, kaysa sa mga pamilya ng mga magsasakang naisahan sa fertizer scam, sa mga botanteng na-hello ni Garci, at mga mahal sa buhay ng mga aktibistang minalas na mapalparan?


Ederic Eder

Ederic is a Filipino communications worker in the telecom, media, and technology industry. He writes about K-dramas and Korean celebrities for Hallyudorama.

He used to be a social media manager for news at GMA Network, where he also headed YouScoop, GMA News and Public Affairs’ citizen journalism arm.

He was with Yahoo! Philippines for more than three years before returning to GMA Network, where he was also previously part of the News Research section.

Author posts
Related Posts

Privacy Preference Center