Noong Biyernes na gabi ay nalaman na kung sino-sino ang 14 na maglalaban-laban para ituring na ultimate survivors sa palabas na StarStruck ng GMA-7.
Habang umaawit ang singer na si Kyla, ipinakita ang masasayang mukha ng mga pinalad. Isiningit din ang video ng mga nabigong makasali sa final 14. Kabilang ang anak ni Eddie Gil sa mga umuwing luhaan.
Ang mga eksenang ito ay nakapagpaalala sa akin sa panahong ako ay mas bata pa. Siguro ay kasing-edad ko noon ang mga teenager na sumali sa StarStruck ngayon. Salitan ang pagtikim ko noon ng tamis ng tagumpay at pait ng kabiguan.
Pero hindi ito mga kuwento ng pagnanais na maging artista. Sa halip, mga karanasan ito ng pagsisikap na itanghal na pinakamahusay na mag-aaral sa iba’t ibang academic competitions sa aming lalawigan.
Ganoon din sa mga StarStruck contestants ang hitsura namin tuwing pagkatapos ng mga contest: may mga abot-tenga ang ngiti at mayroon ding mga mangiyak-ngiyak.
Ang totoo niyan, kadalasan ay malungkot akong umuuwi noon kapag panlalawigan na ang labanan. Ang laging nangunguna ay mga taga-Marinduque National High School, gaya nina PH Manguera at Cielo Lingon, at Khris Quindoza ng Marcopper High School. Bigo nga ako sa pangarap ko noon na maging division champion sa Math Olympiad, eh! Di ko malilimutan ang eksenang habang ikinalulungkot ko ang pagkatalo ay nakita ko sa mas mataas na lugar si Khris–na kung di ako nagkakamali ay siyang nanalo sa kompetisyong iyon–na nakatanaw sa malayo, sa posisyong para bang classic pose ng isang taong nagtagumpay.
Pero hindi riyan nagtatapos ang aking kuwento, kung paanong hindi nagtatapos sa di pagkakasali sa final 14 ang pangarap ng mga natalo sa StarStruck. Sapagkat sa pagkakapasa ko sa UP College Admission Test at pagpasok sa Unibersidad ng Pilipinas, hulaan ninyo kung sino-sino ang mga naging pinakamalalapit kong kaibigan sa UP Moriones, organisasyon ng mga taga-UP na Marinduqueño.
Oo, kabilang sa kanila sina Khris, PH, at Cielo! Ang mga dating hinahangaan at kinaiinggitan ko, sa bandang huli pala ay makakasama ko rin. At sa mga pagkakataong iyon, pare-pareho na kaming kabilang sa piling grupo ng mga estudyanteng natatanggap at nagtatapos sa Unibersidad ng Pilipinas.
Ederic Eder
Ederic is a Filipino communications worker in the telecom, media, and technology industry. He writes about K-dramas and Korean celebrities for Hallyudorama.
He used to be a social media manager for news at GMA Network, where he also headed YouScoop, GMA News and Public Affairs’ citizen journalism arm.
He was with Yahoo! Philippines for more than three years before returning to GMA Network, where he was also previously part of the News Research section.
Related Posts
August 29, 2024
‘Joy Ride’ premieres November on Lionsgate Play
Irreverent comedy features four unlikely friends' unforgettable international…
June 23, 2024
Liza Soberano’s ‘summer beyond compare’ with Deoproce
Deoproce introduces its UV Defence Line.
June 16, 2024
A hero’s sacrifice
Toil and trials mark the journey of Charly Rivera, a remarkable father of four.
buti ka pa nga nanalo ako indi eh kahit pangalawa ko na tong sali sa journ
hahaha! winner… musta na ‘pre? mishu na 😉 hope to see you soon!
ako nga division lang eh,,,
from nueva ecija ako,,,
nkasali kasi ako sa RSSPC, ncr naman ako, parang wala akong pag-asa na makakasama ako sa top ten. bukas na nga ung announcement ng winners. ipagdasal nyo naman ako.
alam mo, tyfe ko si Ken. *sigh*
good for them and good for you. yung palagi naming pambato sa mga compet nung elementary kami at kalaunang naging valedictorian at salutatorian–yung una, 1 year behind sa amin. yung pangalawa, MRR na sa UP.
iba talaga kapag tunay na winner ang attitude hindi yung winner-winneran lang. minsan, kung sino pa yung pinagtatawanan o iniiwan o ayaw isali sa mga laro, yun pa ang nagtatagumpay sa buhay.
just dropped by in your web.your always a winner nman during your high school days.musta na po?
at least nakasali ka pa rin sa RSSPC. Ako nga, hindi eh. 🙁
i share the same plight with you. marami din akong sinalihang mga patimpalak-mapa-academic contest, math/science quiz, pati na rin extempo, impromptu, debate..halos lahat ng may layuning maiangat ang pagtingin sa akin bilang isang estudyante. katulad rin na napanood ko sa Star Circle Quest. Natalo ako noon sa reg’l press con, ngunit sa bandang huli, ang mga magagaling at matatapang na manunulat rin pala ang makakasama ko-sa CEGP.