(unang nalathala sa Pinoy Gazette)
Isang malungkot na balita ang natanggap ko kamakailan. Pumanaw na raw si Lola Remedios Felias, isa sa mga Filipino comfort women na noong World War 2 ay ginawang sex slave ng mga sundalong Hapon.
Personal kong nakilala si Lola Remedios noong isang taon nang dumalo ako sa book launch dito sa Maynila ng kanyang diary book na “The Hidden Battle of Leyte”. Ang libro ay nagkukuwento ng kanyang karanasan bilang isang batang babae na tinangay at ginawang sex slave ng ilang kasapi ng Japanese Imperial Army sa Kabisayaan. May mga drowing at sulat-kamay ng matanda sa kanyang libro, at ang teksto ay nasa English, Tagalog, at Hapones.
Sa pagtitipong iyon, narinig ko ang pagkukuwento ni Lola Remedios. Naramdaman ko ang sakit habang lumuluha niyang binabalikan ang masaklap na nangyari sa kanya.
Ayon sa Lila Pilipina, isang organisasyong kinabibilangan ni Lola Remedios, ang pagsusulat at pagsasalaysay ay nagsilbing daan upang siya ay maka-recover sa trauma ng ng kanyang mapait na karanasan.
Pumanaw si Lola Remedios noong April 14, 2004 sa sakit na uterine cancer. Sabi ng Lila Pilipina, kahit terminal na ang sakit niya ay sumasama pa rin ang matanda sa mga meeting at kahit sa rallies ng organisasyon. Bagamat lumaban hanggang sa huling sandali, payapa naman daw niyang tinanggap ang kanyang kamatayan.
Ngunit namatay si Lola Remedios na hindi nakakamtan ang isinisigaw na katarungan.
Kapaskuhan ng nakalipas na taon nang ibasura Japanese Supreme Court 920 million yen damages suit na isinampa ng mga dating comfort women laban sa gobyernong Hapon. Nagsimula ang kaso noon pang 1993.
Umaabot sa 200,000?karamihan ay mga Pilipina at Koreana?ang ginawang sex slave ng mga sundalong hapon noong World War 2. Pero patuloy na tumatangging magbayad o mag-apologize ang gobyernong Hapon.
Masama rin ang loob ng mga dating comfort women sa administrasyong Arroyo. Hindi raw sila nakatanggap ng anumang suporta mula sa gobyerno sa kanilang sa legal battle.
“Nandidito kami para ipaala-ala muli kay Presidente Gloria na huwag naman niyang kaming kalimutan na mga comfort woman. Marami na sa amin ang namamatay, ang nagkakasakit. Ngayong nasa Japan na naman siya, ipaglaban naman niya kami. Kaya nga dinala namin dito ang mga larawan ng mga dati naming kasama para h’wag niya kaming kalimutan,” sabi ni Lola Narcisa Claveria, isa sa mga kasamahan ni Lola Remedios sa isa sa kanilang mga rally.
Sa kabila nito, naniniwala silang hindi sa pagkatalo sa korte o sa pagpanaw nagtatapos ang pakikibaka ni Lola Remedios at ng kanyang mga kasama.
Ederic Eder
Ederic is a Filipino communications worker in the telecom, media, and technology industry. He writes about K-dramas and Korean celebrities for Hallyudorama.
He used to be a social media manager for news at GMA Network, where he also headed YouScoop, GMA News and Public Affairs’ citizen journalism arm.
He was with Yahoo! Philippines for more than three years before returning to GMA Network, where he was also previously part of the News Research section.
Related Posts
June 23, 2024
Liza Soberano’s ‘summer beyond compare’ with Deoproce
Deoproce introduces its UV Defence Line.
June 16, 2024
A hero’s sacrifice
Toil and trials mark the journey of Charly Rivera, a remarkable father of four.
May 12, 2024
Converge celebrates selfless love this Mother’s Day
Converge pays tribute to courageous mothers and maternal figures.
i hope pouh mabigyan ng makatarungan na paghuhusga ang mga nangyari sa mga comfort women’s
napakawalang kwenta ang administrasyong arroyo
babayoo0…..
hey ederic,
We filed a case with the Supreme Court about two months ago on behalf of 70 comfort women of Candaba, Pampanga. They belonged to another group though.
For some time, people thought that with the decision of the Japanese Court to throw out the case filed by Lila Pilipina, no other available legal remedy is on hand.
Our suit asks the High Court to order the Philippine Government to bring the matter of the Filipina comfort women to an international tribunal.
The suit also seeks to invalidate the Treaty of Peace the Philippines signed with Japan which waived all our claims against Japan, including those of the comfort women, as violative of jus cogens principles under international humanitarian law.
The Supreme Court has so far asked the Solicitor General to comment on our petition, without giving due course to it yet. The Solicitor General has already asked for two extensions to the period given to them to file the comment.
They have until the end of June to do so.
inaantay yata ng gobyernong dahan dahang malagas isa isa ang mga Pilipinong ito upang humina ang boses nila… at maibale-wala gaya ng napakaraming isyu na dapat atupagin, at sakalauna’y malimutan na lang.
ngunit meron pong mga taong hindi makakalimot…
na-hack ang server kung saan nakasave ang dzune.alaeh.net kaya dito muna ako makiki usyoso para matanggal naman ang galit na aking nararamdaman. At mainam na pagdiskitahan ko ay ang bagong topics dito sa ederic.net na ito.
Here it goes…
Wala ka talagang aasahan sa Administrasyong Arroyo dahil wala din yang ginawa tungkol sa woman trafficking issue dito sa South Korea. Kung sana ay masasaksihan ninyo ang halos araw-araw na may dumadagsang pinay entertainers sa Hyewhadong Filipino Catholic Center (isang shelter para sa Filipino Migrants) ay mapapatunayan ninyo na sa halip na mabawasan ay lalong dumadami ang kaso ng mga inabusong pinay entertainers na kalimitang nagtatrabaho sa U.S. bases dito sa South Korea. Iyan ang matinding at walang takot na ipinaglalaban ng mga katolikong misyunaryo nakatalaga dito sa bansang ito(sayang nga at down ang server namin para makita nyo ang link ng petition paper at signiture campaign nila). Long term na nga yata ang digmaan ito na pinaglalaban ni Lola Remedios at maging ang mga bagong magdalena ng ating panahon.