Categories
Pipol

Sina Sam Milby at Catriona Gray na ba?

“Worth every second of the wait,” ani Sam Milby tungkol kay Catriona Gray.

May post si Kapamilya actor Sam Milby sa Instagram na tila pag-amin na karelasyon na niya si Miss Universe 2018 Catriona Gray.

Sa picture ni Sam kasama ang isang babae, naka-tag si Catriona. “Worth every second of the wait. Most special birthday yet ,” ang sabi niya sa caption.

Ika-36 na birthday ni Sam kahapon.


Noong isang taon, itinanggi ng manager ni Sam na may relasyon ang Pinoy Big Brother alumnus at ang beauty queen.

Masaya naman ang mga kaibigan at mga tagahanga nina Sam at Catriona para sa dalawa.

Dahil sa post ni Sam, pumasok sila ni Catriona sa trending topics ng Twitter. Naging trending topic din ang dating kasintahan ni Catriona, ang Filipino-German actor na si Clint Bondad. Si Clint ang very supportive na boyfriend ni Catriona noong kandidata siya sa Miss Universe. Naghiwalay sila pagkatapos ng beauty pageant.


May mga tagahanga sina Catriona at Clint na parang nanghihinayang pa rin. Pero sabi nga nina Ignacio Bunye at Harry Roque, “Let’s move on.”

Nalink din dati si Catriona sa Kapuso actor at Philippine box office king na si Alden Richards.

Si Catriona ang ikaapat na Miss Universe titleholder ng Pilipinas.

Catriona Elisa Magnayon Gray ang buong pangalan niya. Tandaan na Gray — hindi Grey — ang apelyido ni Catriona. Hindi niya kamag-anak si Christian Grey.

Post a reply