“A taste of things to come?” ‘Yan ang tanong ng Philippine Star sa istorya nito ngayong araw tungkol sa panghihiya ni Fernando Poe Jr. kay Sandra Aguinaldo ng GMA-7 kahapon.
Bilang bahagi ng kanyang pagsisikap na maibigay sa mga manonood ang pinakamagandang perspektiba sa kanyang pag-uulat, binalak ni Sandra na magsagawa ng “stand-upper” o pagre-report sa harap ng kamera na ang background ay si FPJ habang nagsasalita sa harap ng maraming tao. Karaniwan itong ginagawa ng mga TV reporter.
Pumuwesto si Sandra sa likod ni FPJ sa stage na punung-puno ng nagkakatulakan pa ngang mga tao at naghahanda na sa kanyang ulat nang bigla siyang lapitan ni FPJ at sabihang “Gusto mong magsalita?”
Napailing at napaatras na lang si Sandra. Pero sinabihan siya ni FPJ ng “Hindi nga, gusto mo yata magsalita. (Basahin ang buong kuwento sa report na ito ng INQ7.)
Si Sandra pa ang hinilingan nina Loren Legarda at Tito Sotto na humingi ng paumanhin kay FPJ.
Kinondena naman ng mga media groups gaya ng National Union of Journalists of the Philippines ang ginawa ni Da King.

Ederic Eder
Ederic is a Filipino communications worker in the telecom, media, and technology industry. He writes about K-dramas and Korean celebrities for Hallyudorama.
He used to be a social media manager for news at GMA Network, where he also headed YouScoop, GMA News and Public Affairs’ citizen journalism arm.
He was with Yahoo! Philippines for more than three years before returning to GMA Network, where he was also previously part of the News Research section.
Related Posts
June 30, 2023
Viral video ng disbarred lawyer na si Larry Gadon
Para ito sa mga naghahanap sa viral video ng nadisbar na DDS at Marcos…
January 1, 2023
PH economic growth to weaken in 2023 —PIDS study
The Philippine economic growth is projected to weaken in 2023 as the global…
I thinked FPJ was a little nervous that day and found that reporter Sandra was disturbing him.
No big deal sa dalawa,just “forgive and forget” ikanga. It’s better for all of you there in the Philippines to focus about the cheating countings happening there(if this is really true).
Let’s hope that the best candidates in their own categories win and can really help our country. “Bless the Philippines”. Peace should be counted!
its not a biggie….y do we have to be so reactive on this matter? its just a matter or preferences in what fpj do. he is distracted so he just voiced out what he feels. sandra doesnt need to feel that shes been insulted. fpj could have delivered his question wrong but sandra has to know and accept for herself that she also done something wrong to fpj.
nung nabasa ko yan nanlaki talaga ang mata ko. grabe… kadiri.
si fpj, masahol pa sa bading! gago talaga. dolphy should have called him tonto!
hehe! mukhang mas mataray pa kay GMA. tsk!
kasi naman si sandra, sinisira ng diskarte ni FPJ. Alam naman nyang hirap na hirap na nga si FPJ matandaan ang memorized speech nya eh, ginugulo pa siya. Maawa naman kayo dun sa tao, hirap na hirap na magpanggap na may content siya!
bastos talaga. i feel for ate sandra. i think she’s one of the best reporters around.
Makikita na natin dito na si Da King ay 1) insecure talaga sa sarili at 2) not the gentleman they make him out to be, 3) di man lang makapag self-sacrifice.
Si Loren naman, epal.
ano pong opinion mo about this?