Tuwing Umuulan…

Nagtampisaw ako sa ulan nang sandali kanina. Nakakatuwa. Para kaming mga batang nagkukulitan sa ulan ng kaibigan ko. Minsan, enjoy gawin ang mga ganitong kalokohan, lalo na kapag matagal nang naghahari ang tag-init. O kaya’y kung paborito mong kaibigan ang kasama mo. Bagay ang pagkakahalo ng tunog ng ulan sa taginting ng aming tawanan. Ang buhos ng tubig ay kasabay ng buhos ng katuwaan. Sana, hindi kami sipunin.

Leave a Reply