Gat Andres BonifacioAraw ng kamatayan ngayon ni Gat Andres Bonifacio, Ama ng Himagsikang Pilipino. Isandaa’t limang taon na ang nakalilipas, binaril siya ng mga sundalo ng pamahalaang Aguinaldo sa Bundok Buntis sa Cavite matapos siyang hatulan ng kamatayan sa isang mock-trial.

Nakabibingi ang katahimikan ng bayan sa makasaysayang araw na ito. Iilan na lamang ba ang nakaalala man lamang ng napakasaklap na araw na iyon na maituturing na isa sa pinakamadilim na bahagi ng ating kasaysayan? Maging ako, na masugid niyang tagahanga, ay guilty sa salang di pag-alaala sa araw ng kanyang pagpanaw.

Salamat sa column ng historiador na si Ambeth R. Ocampo sa araw na ito sa Inquirer.net, para akong itinulak palabas ng mababaw na pag-iisip at pag-aasikaso sa aking mga personal na pinagkakaabalahan. Sa kanyang artikulong may pamagat na “Where lie Andres Bonifacio’s bones?”, ibinahagi ni Ocampo ang salaysay ni Lazaro Makapagal ng pagpatay nila sa Supremo ng Katipunan. Maluluha ka sa ikinilos ni Procopio, kapatid ng Bayani:

“With some troops, I was ordered to escort the Bonifacio brothers to Mount Buntis. I was instructed to stop before reaching the summit of the mountain at a concealed yet spacious place; there I was to put the prisoners under heavy guard. Then I was to open the sealed letter to be given to me by General Mariano Noriel and to read it to the Bonifacio brothers.

“I followed the instructions carefully … First I read the letter by myself. When I understood its contents, my lips trembled and I was speechless for some time. Oh, what compassion I felt!

“The instructions said I was to obey strictly the order to shoot the brothers. Should I fail to do so, it would be I who would be shot on my return to headquarters…After I had read the order to the prisoners. Procopio wept, embraced Andres, and asked, Kuya, paano tayo?

“Andres did not say a word. he bowed his head and sobbed while bitter tears welled in his eyes and rolled down his cheeks. Not able to bear it, I turned my back, and when I faced them again, the deed was done. My men had fired shots and the poor Bonifacio brothers were prostrate and dead. Then I paid proper respect to their remains.”

Noong ako’y nasa kolehyo, may nabasa akong isang artikulo kung saan binanggit ang “paulit-ulit na pagpaslang kay Bonifacio”. Naniniwala akong patuloy ang pagpatay na ito:nang sikilin ng diktador ang kalayaan ng bayan na noo’y pilit na ipinaglaban ng Katipunan; nang mauwi sa halos wala ang People Power 1; nang ang impostor na si Estrada ay magtaksil sa masang sumamba sa kanya; nang ang pamahalaang Arroyo ay magpatirapa kay Uncle Sam habang patuloy na nagugutom ang masang mahirap.

Ang ating pagkalimot sa mahalagang araw na ito, ang katahimikan ng pamahalaan at ng media, ang pagtanggi ng opisyal na kasaysayan na tuwirang harapin at i-settle ang kontrobersiya ng pagpaslang kay Bonifacio, at maging ang pagsisiksikan nina Bonifacio at Apolinario Mabini sa sampung piso (na malapit na yatang i-phase out)–ang lahat ng ito, sa aking palagay, ay bahagi ng paulit-ulit na pagpaslang sa Supremo.


Ederic Eder

Ederic is a Filipino communications worker in the telecom, media, and technology industry. He writes about K-dramas and Korean celebrities for Hallyudorama.

He used to be a social media manager for news at GMA Network, where he also headed YouScoop, GMA News and Public Affairs’ citizen journalism arm.

He was with Yahoo! Philippines for more than three years before returning to GMA Network, where he was also previously part of the News Research section.

Author posts
Related Posts

Privacy Preference Center