Kulong

Habang isinusulat ko ito, nakikita ko ang mga nagdaraang tao at sasakyan sa kalsada. Gusto ko na sanang sumakay sa jeep papunta sa opisina, pero di ko ito maaaring gawin. Nakakulong kasi ako.

Nakulong ako sa pagitan ng pinto ng aming apartment at ng gate palabas sa building. Dahil sa katangahan ko kanikanina lang. Lumabas ako’t ikinandado ang pinto nang di naaalalang ‘di ko pa nadadampot ang susi ko sa sabitan nito. Laking gulat ko nang makitang nkakandado ang gate namin! Ibig sabihin, di ako makakaalis dito hanggang dumating si Bing.

Update: Nakalabas din ako nang dumating si Bing.

0 thoughts on “Kulong

  1. wag ka mag alala dalas din mangyari sa kin yan kaya madalas din ako akyat ng bubong kasi yung terrace kung saan nandun room ng tatay at nanay ko e di nilolock any time magdamagan yan .. open sa mga magnanakaw lol!

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *