Bee!

Mahigit isang taon pa lang siya, pero gaya ko ay fan na fan na rin siya ni Jollibee.

Nakakaaliw si Migmig, pamangkin ni Mhay. Mahigit isang taon pa lang siya, pero gaya ko ay fan na fan na rin siya ni Jollibee.

Last week, habang narito sila sa Maynila, di niya tinantanan ang lolo at lola niya hangga’t ‘di siya dinala at pinakain sa Jollibee. Nakita niya kasi ang masayang bubuyog habang namimili sila sa kalapit na grocery store.

Habang bumibiyahe naman kami pauwi sa Pampanga, sa bawat Jollibee at Jollibee billboards na madaanan namin ay bumubulalas siya ng “Bee!”

Nakakatawa lang dahil noong nasa Jolly party kami para sa isang pinsan niya, ayaw ni Migmig lumapit kay Jollibee. Naaaliw siyang tingnan pero natatakot siya kapag inilalapit siya sa mascot.

Ayaw lumapit kay Jollibee

Nailapit din siya ni Mhay at nakunan pero ‘di naman nakatingin.

Ayaw magpakuha kasama si Jollibee

Ayan, tuloy, kami lang ni Jollibee ang may magandang kuha!

Ederic at Jollibee

0 thoughts on “Bee!”

  1. did try it using web pro (Tungsten C)…..i was able to load the page at my third attempt kasi nag.ha.hang yung browser :(. then i tried posting a comment and this is the error i get: “handheld could not connect to the server. wait a few minutes and try again. URL:
    http://www.ederic.net/b2comments.post.ph“p://www.ederic.net/b2comments.post.ph”. other pages are loading okay. will just try again later 🙂

  2. ang cute talaga ng mga bata. nakakaaliw.. pati na rin yung nagbabata-bataan… *sabay-tingin-sa-nakapulang-katabi-ni-jollibee-sa-larawa*

    *teehee*

    PEACE! 😛

Leave a Reply