Inilunsad kanina, Pebrero 6, ang Youth Peace Watch, isang alyansa ng iba’t ibang kabataan laban sa US-led war on Iraq.
Ginanap ang paglulunsad sa San Beda College at sinundan ito ng kilos protesta at pagsisindi ng mga kandila sa Mendiola Bridge kasama ang running priest na si Fr. Robert Reyes ng UP Parish of the Holy Sacrifice.
“The Filipino Youth, as stakeholders of the future society asserts its commitment to peace and human rights. In one voice we declare, ‘If there’s no peace, there’ll be no respect for human rights. Stop the US-led war against Iraq'” wika ng Youth Peace Watch sa kanilang pahayag.
Ang Youth Peace Watch ay pinangungunahan ng Human Rights Youth Action Network at Amnesty International Pilipinas at kinabibilangan ng may 17 organisasyong pangkabataan kabilang ang Aksyon Kabataan, Alyansa ng Nagkakaisang Lakas ng Kabataan, BASES, Kabataang Liberal ng Pilipinas, Green Movement for Social Transformation, Movement for the Advancement of Student Power, PADAYON Youth, Samahan ng mga Anak ng Desaparacidos, Student Council Alliance of the Philippines, United Against Torture Coalition, Union of Catholic Student Council, UNESCO-Associated Schools Project, UP Muslim Students Association, Youth for Christ, Youth for Nationalism and Democracy, Third Propaganda Movement, Lapian ng Katangi-tanging Adan na Nagkakaisa, at Sangat-Uli Mountaineering Society.
Matapos ang pagsisindi ng mga kandila, nagmartsa ang mga may 100 kalahok mula sa Mendiola hanggang sa may ar Eastern University.
Ederic Eder
Ederic is a Filipino communications worker in the telecom, media, and technology industry. He writes about K-dramas and Korean celebrities for Hallyudorama.
He used to be a social media manager for news at GMA Network, where he also headed YouScoop, GMA News and Public Affairs’ citizen journalism arm.
He was with Yahoo! Philippines for more than three years before returning to GMA Network, where he was also previously part of the News Research section.
Related Posts
December 12, 2023
DOH, groups sign smoke and vape-free pledge
They want public policies for smoke-free and vape-free environments.
June 30, 2023
Viral video ng disbarred lawyer na si Larry Gadon
Para ito sa mga naghahanap sa viral video ng nadisbar na DDS at Marcos…
oil lang naman ang habol ng US sa war, siyempre para makontrol nila. nagpunta ako sa http://why-war.com at marami akong sticles na nabasa doon.
malapit na po ang UP fair! baka magpunta kami sa UP diliman sa sabado! yehey! kaya lang sa 16 kasali kami sa quirino grandstand (yung mass aerobics). yehehe!
uy wow. ang galing naman. i’m against the war too… wala lang. gusto lang naman kasi ng amerika na mag-take advantage sa mga maliliit na bansa… haay naku, fudge those onaks! lol 😛
Syemps, hinahanap nga kita. Wala ka naman, hehehe. :p
Naks! Nanduon ka raw sa launching kahapon.
Sayang at di kita nakita kasi wala ako nasa
Lucena City ako para sa 3rd Regional Student Leaders’ Congress…
By the way, we will declare February 14 as an International Day of Action for Peace.
🙂