Yahoo! Purple HuntSumali ka na ba sa Yahoo! Purple Hunt?

Sa Purple Hunt, ipinapakilala ang iba’t ibang serbisyo ng Yahoo! Philippines sa Pinoy netizens.

At habang nadidiskubre mo ang mga magagawa ng Yahoo! Philippines para sa iyo, pwede kang manalo ng digital camera, cellphone, laptop, o pati kotse.

Nasa ikatlong bahagi na ng contest na ito ng Yahoo! Philippines, at anim na Blackberry Storm ang mapapanalunan. Nasa iba’t ibang lugar sa Kamaynilaan ang Purple Crew, dala ang mga cellphone.

Para makasali, gaya ng sa treasure hunt ay kailangang malaman mo ang eksaktong lugar na kinalalagyan ng Blackberry Storm.

  • Pumunta sa Purple Hunt website para maghanap ng clues kung saan matatagpuan ang mga premyo. Kailangang mong i-click yung maliliit na square na may lamang parang piraso ng jigsaw puzzle, hanggang makita mo yung tamang square.
  • Sa tamang square na may lamang clue, mayroon ding form. Doon mo ilalagay ang sagot mo. Kung di mo mahulaan, mag-search lamang ng “purple smartphone” sa Yahoo! search phone sa itaas ng blog entry na ito. May makikita kang mga links na magbibigay sa iyo ng ideya kung ano ang tamang sagot.
  • Kapag nahulaan mo na ang tamang location, isulat ang sagot sa form at i-submit.
  • Pagkatapos, mag-log-in sa Yahoo! account mo, o mag-register kung wala pa. Kapag naka-log-in ka na, i-fill out ang contest registration form.
  • Maghintay ng email o text message na nagsasabi na nanalo ka.

Pero mag-ingat kapag may nag-email o nag-text sa iyo na nanalo ko. Siguraduhing galing sa Yahoo! Philippines ang email o text bago magbigay ng personal info. Tandaan ding hindi kailanman hihingin ng Yahoo! Philippines ang inyong account password.

Para sa karagdagang impormasyon at clues sa hunt, i-add ang Purple Crew sa Yahoo! Profiles.

Good luck!


Ederic Eder

Ederic is a Filipino communications worker in the telecom, media, and technology industry. He writes about K-dramas and Korean celebrities for Hallyudorama.

He used to be a social media manager for news at GMA Network, where he also headed YouScoop, GMA News and Public Affairs’ citizen journalism arm.

He was with Yahoo! Philippines for more than three years before returning to GMA Network, where he was also previously part of the News Research section.

Author posts