Noong di pa ako nakatira sa apartment namin ngayon sa Quezon City, nasa first floor ng building ang restaurant na Singapura Rasa. Parang minsan lang ata ako nakakain doon dahil may kamahalan at kailangang maghintay nang may katagalan bago makakain. Nang wala na roon ang restaurant — di ko alam kung lumipat o nagsara — saka naman kami nakakahanap ng space roon.

Welcome to SingaporeThese past weeks, lagi kong naaalala ang Singapura Rasa. Halos isang buwan na rin kasi akong nandito sa Singapore. May training ako para sa bagong trabaho ko as editor sa Yahoo! Philippines.

Sa isang hotel ako nag-i-stay, at nilalakad ko lang pauwi sa gabi. Safe naman daw rito. Saka nasanay na rin ako nung nasa GMA pa ako, kasi madalas din kaming naglalakad pauwi noon. Pagdating sa hotel, kadalasan ay lumalabas ako ulit at kumakain sa Kopitiam at pagkatapos ay tumatambay ako roon o sa Nanyang Academy of Fine Arts para sa libreng WiFi.

Jolly VNoong unang Biyernes ko rito, inilibre ako ilang kaibigan sa isang Filipino resto sa Lucky Plaza, ang tambayan ng mga Pinoy sa Singapore. Dalawang beses na rin akong nakakain sa Lau Pa Sat — na kinaroroonan Jolly V, kung saan ang manok ay lasang Chicken Joy. Walang Jollibee rito, at ang Jollibeans naman ay mga inumin at kakanin ang itinitinda. (Wala ring Kopi Roti rito, at walang kanin ang McDo at KFC. Wala ring Bench at Artwork. At walang Kapuso channel sa TV sa hotel. Andami kong hinahanap, no?)

Pero yung mga pagkaing nasa menu siguro noon ng Singapura Rasa, puwede ko nang kainin dito lagi. Paborito ko ang lemon chicken rice at pineapple rice. Lagi rin akong kumakain sa vegetarian stall ng food court sa building ng office namin.

Pineapple riceMay mga kaibigan akong dito nagtatrabaho, at nagkita na kami ng ilan sa kanila. May mga nakilala at nakakausap din akong mga kababayan dito. Nakikipagkuwentuhan ako at nakikinig sa mga kuwento ng kanilang buhay sa Singapore.

Kahit sandali lang ako rito, naranasan ko ang buhay-OFW. Mahirap din pala. Nakaka-miss ang Pinas, ang mga kapamilya at ang kapuso kong sa text, YM, at tawag ko lang nakakasama ngayon. First time naming magkahiwalay ni M nang ganito katagal.

Kahit masaya sa office dahil gusto ko ang trabaho, mababait sa akin ang mga kasamahan ko, at marami ring Pilipino, pag pauwi na ay medyo nasa-sad ako. Feeling ko mag-isa lang ako. Inaaliw ko na lang ang sarili ko sa panonood ng mga tao at pagtingala sa buildings at sa makukulay na ilaw na nakasabit sa kalsada. Bago matulog, mga bampira ng The Vampire Chronicles ni Anne Rice ang kasama ko. Lalo pang sad towards the weekend at medyo paubos na ang allowance. Tipong patingin-tingin, di naman makabili. Noong Huwebes, nagpaduktor pa ako. Pero okay lang naman ako.

Medyo masaya this week kasi dumating ‘yung ibang colleagues ko na nagte-training din. Nitong nakalipas na dalawang araw, may mga kasabay na akong maglakad-lakad o maglagalag. Tapos kanina, may masayang kita-kita kami ng mga Pilipinong blogger na nasa Singapore. Ikukuwento ko na lang next time, with borrowed photos. Medyo mahaba na itong first installment ng Singapura chronicles ko, eh.

Nagpa-picture pala ako sa office:

IMG_3571


Ederic Eder

Ederic is a Filipino communications worker in the telecom, media, and technology industry. He writes about K-dramas and Korean celebrities for Hallyudorama.

He used to be a social media manager for news at GMA Network, where he also headed YouScoop, GMA News and Public Affairs’ citizen journalism arm.

He was with Yahoo! Philippines for more than three years before returning to GMA Network, where he was also previously part of the News Research section.

Author posts
Related Posts

Privacy Preference Center