Michael Jackson (Wikipedia)
Michael Jackson (Wikipedia)
Ano ang paborito ninyong kanta ni Michael Jackson? Ito ang tanong ng isang kasamahan ko kahapon matapos naming ibalita ang biglaang pagkamatay ng 50-year-old King of Pop.

Dahil di masyadong marami ang alam ko sa music lalo na pag foreign music (halos Eraserheads, Gary Granada at Beatles lang ang mga alam na alam ko , at kahit pa sikat na sikat si Michael Jackson, ang naisip ko lang ay “You’ve Got a Friend.” Senti yung kantang yun, eh. Para sa mga totoong magkakaibigan. Kaso, hindi pala original na kanya yun.

Noong nasa Singapore ako, ang paulit-ulit kong pinakinggan ay yung “Give Thanks to Allah.” Kahit himno ito ng ibang pananampalataya, nagustuhan ko ang music at yung English part ng lyrics. Kaya lang, mukhang hindi naman kay Michael Jackson yung kanta.

Kagabi, nakita ko sa Facebook ni Carlo Lorenzo ang ilang berso. Akala ko tula ng GMA-7 reporter para sa King of Pop. Yun Pala, ang “Gone Too Soon” ay kanta ni Michael Jackson.

Kanina, isa sa mga pinakikinggan ng mga kasama ko ay yung “Man in the Mirror,” na di pamilyar sa akin. Nung makausap ko sa YM si Myla, nabanggit niya yung “You are Not Alone.” Oo nga, alam ko yun, sabi ko.

Nitong gabi, mas marami na kaming napakinggang kanta kabilang ang ilang alam ko — nakalimutan lang siguro — gaya ng “I’ll Be There,” “She’s Out of My Life,” “Heal the World,” at “One Day in Your Life.”

At naisip ko, mukhang yung “Heal The World” ang pinakagusto kong kanta ni Michael Jackson.

Kayo, may paborito ba kayong kanta niya?


Ederic Eder

Ederic is a Filipino communications worker in the telecom, media, and technology industry. He writes about K-dramas and Korean celebrities for Hallyudorama.

He used to be a social media manager for news at GMA Network, where he also headed YouScoop, GMA News and Public Affairs’ citizen journalism arm.

He was with Yahoo! Philippines for more than three years before returning to GMA Network, where he was also previously part of the News Research section.

Author posts
Related Posts