Tinanggap kahapon ni Pangalawang Pangulong Teofisto Guingona ang alok na maging political adviser ni Fernando Poe Jr (FPJ).

Ginawa raw niya ito dahil buong pusong tinanggap ni FPJ ang programa sa pamamahala na ihinain niya kay FPJ nang alukin siya nitong maging adviser.

“This is about fighting for the return to moral governance and the search for a leader who is his own person, one who is sincere and has native intelligence, one who is prepared to exercise political will to chart meaningful reforms to rebuild our nation under God,” pahayag ni Guingona na nalathala sa INQ7.

“This is about pursuing nationalist reforms that will truly put an end to the vicious cycle of social, political and economic injustices that our people suffer,”
dagdag pa niya.

Si FPJ ay matalik na kaibigan ni dating Pangulong Joseph Estrada, na napatalsik matapos ang People Power 2 na pinamunuan ni Guingona at iba pang makabayang lider.

Si Guingona ay pinuno ng Bangon!, isang samahang nagsusulong ng nasyonalismo at malinis na pamamahala upang mabigyang pag-asa at maiangat ang kamalayan ng mga Pilipino. Nang itatag ang Bangon!, ipinangako ng mga pinuno nitong itataguyod ang mga reporma at pagkilos laban sa katiwalian, babantayan ang pangangasiwa ng katarungan sa bansa, at tutulong upang maging malinis at tapat at pambansang halalan sa 2004.

Sinabi rin noon nina Guingona na mananatili silang non-partisan o walang kakampihang kandidato. Magbibitiw raw si Guingona sa mga civil society organizations na pinamumunuan niya.


Ederic Eder

Ederic is a Filipino communications worker in the telecom, media, and technology industry. He writes about K-dramas and Korean celebrities for Hallyudorama.

He used to be a social media manager for news at GMA Network, where he also headed YouScoop, GMA News and Public Affairs’ citizen journalism arm.

He was with Yahoo! Philippines for more than three years before returning to GMA Network, where he was also previously part of the News Research section.

Author posts
Related Posts

Privacy Preference Center