Sa pangapitbahay ko ngayong umaga, nabasa ko sa blog ni Wideyeshut na nominated sa Nobel Peace Price sina US President George W. Bush at UK Prime Minister Tony Blair. Totoo nga, ayon sa isang ulat ng Associated Press sa Yahoo News! (Huli na ako sa balita!) Parang joke, no? Pero seryoso. Buti na lang may mga buo ang pag-iisip na nagnominate sa Santo Papa. Hmmm, kung si Ate Glo ang masusunod, sino kaya ang ino-nominate niya: si Bush o si Pope? Hehehe.

Nabasa ko rin sa site ni Wideyeshut ang “Filpinos Make Me Puke” na umano’y isinulat ni Art Bell, isang broadcaster sa US. Hindi po totoong si Art Bell ang nagsulat niyan. Maniwala kayo sa amin ni Lagsh, na nag-post na rin sa Friendster ng tungkol dito. Huwag sayangin ang bandwidth sa pagpo-forward ng walang kuwentang sulat. Huwag magalit, maha-high blood ka lang.

Ilang taon na ang nakalilipas nang matanggap ko ang sulat na yan kaya naman hinanap ko sa Internet kung saan ito nagmula. At nakita ko mismo sa Artbell.com (na wala na yata ngayon) ang denial ni Mr. Bell. Para mas maliwanagan tayo, basahin ang artikulong ito mula sa Philippine Urban Legend Archive.

May mga iba pang urban legends na dini-discuss sa site na iyan, gaya ng mga tsismis tungkol kay Tommy Hilfiger. Naalala ko pa dati na tinitingnan ko nang masama ang mga nagsusuot ng brand niya. Sus, nakakahiya mandin pala.


Ederic Eder

Ederic is a Filipino communications worker in the telecom, media, and technology industry. He writes about K-dramas and Korean celebrities for Hallyudorama.

He used to be a social media manager for news at GMA Network, where he also headed YouScoop, GMA News and Public Affairs’ citizen journalism arm.

He was with Yahoo! Philippines for more than three years before returning to GMA Network, where he was also previously part of the News Research section.

Author posts
Related Posts

Privacy Preference Center