Inilulunsad ng ilang bloggers na taga-UP, sa pangunguna ni Coy, ang isang proyekto para sa Sentenaryo ng Unibersidad ng Pilipinas ngayong Hunyo — ang “UP@100: Capturing 100 UP Moments”. Isa itong music video project na mag-iipon ng may 100 larawan at video mula sa mga alumni at mag-aaral ng UP. Layunin nitong maipakita ang 100 kakaibang sandali sa UP mula sa 100 iba’t ibang pananaw sa nakalipas na isandaang taong pag-iral ng Pamantasan.

Inaanyayahan namin kayong sumali sa gawaing ito. Narito ang mga panuntunan:

I. Sino ang maaaring sumali:

1. Sinumang nagtapos sa UP
2. Sinumang mag-aaral sa UP

II. Paano ipasa ang inyong larawan o video:

1. Ang bawat kalahok ay maaaring magpadala ng dalawang larawan (may kasama man siya o wala) o isang 15-segundong video na kinunan sa UP o sa isang pangyayari sa UP.

2. Bawat lahok ay dapat lagyan ng sumusunod na impormasyon:
– Pangalan
– Student Number
– Degree at Kurso
– Dalawa hanggang limang salita tungkol sa pangyayari (isama ang taon kung kailan kinunan ang larawan o video)
– Kung may mga kasama sa larawan o video, pakisabi kung alin kayo

3. Ang lahok ay maaaring ipasa sa pamamagitan ng:
– Pagpapadala sa file (larawan/video) attachments sa up100[at]googlegroups[dot]com o sa ederic[at]upalumni[dot]net
– Pagpo-post ng larawan sa blog ng kalahok at pag-iiwan ng comment dito sa official UP@100 post na ito.
– Pag-a-uploading ng video sa alinmang file at pag-iiwan link bilang comment sa post na ito.

4. Isang lahok lamang ang tatanggapin mula sa bawat sasali.

5. Ang taning ng pagpapadala ng lahok ay sa Hunyo 19, 2008, isang araw pagkatapos ng pagdiriwang ng Sentenaryo ng UP ( para maisama ang mga larawan mula sa pagdiriwang).

6. Ilulunsad ang video sa Hunyo 26, 2008 sa blogs ng lahat ng mga organizer.

7. Kasabay nito, isang microsite ang gagawin para sa proyekto at doo’y ipo-post ang lahat ng mga larawan at video na ipinasa sa proyektong ito.

Ang UP@100 coordinators ay sina Coy, Juned, Benj, Fritz, Ederic, Poyt, Gino, Karla, Kevin and AJ.

Hihintayin namin ang inyong masasayang sandali sa UP!

DISCLAIMER: Ang Proyektong UP@100 ay hindi kabilang sa opisyal na mga gawain sa Sentenaryo ng Unibersidad ng Pilipinas. Isa itong volunteer effort at proyekto ng ilang mag-aaral at nagtapos sa UP.


Ederic Eder

Ederic is a Filipino communications worker in the telecom, media, and technology industry. He writes about K-dramas and Korean celebrities for Hallyudorama.

He used to be a social media manager for news at GMA Network, where he also headed YouScoop, GMA News and Public Affairs’ citizen journalism arm.

He was with Yahoo! Philippines for more than three years before returning to GMA Network, where he was also previously part of the News Research section.

Author posts
Related Posts

Privacy Preference Center