Kapag umaga — lalo na kung Lunes — nagiging isang napakahabang parking lot ang EDSA. Paano ba naman, di na halos gumagalaw ang mga sasakyan!
Kanina, binalak kong ituluy-tuloy na hanggang Ayala ang biyahe ng sinakyan naming provincial bus. Pero hindi ko ito kinaya dahil baka uwian na bago ako makarating sa Ayala. Wala akong choice–bumaba ako sa bus at naglakad papuntang Santolan MRT station.
Buti na lang at medyo maluwag na sa MRT kanina. Kadalasan, tulakan at balyahan ang aabutin mo pagkatapos pumila nang napakatagal papasok sa station.
Naaalala ko pa yung panahong gumagalaw pa ang mga sasakyan sa EDSA. Noon, may mga bus pang pwedeng dumaan sa mga underpass. Sa kasamaang palad, nagbago ang kalakaran. Ayaw na ng Metro Manila Development Authority (MMDA) na makasabay ng mga kotse ang mga bus sa underpass. Dahil dito, nagsisiksikan ang mga bus — na ang ilang segundo dapat na pagbaba at pagsakay ay ginagawang ilang minuto — at di gumagalaw ang trapiko.
Tuloy, ang middle class at masang di makabili ng kotse, nagsisiksikan sa MRT. Kung ayaw nila ng limang oras na biyahe sa EDSA, nakikipagbalyahan na lang sila sa MRT.
Ang mga may kotse, nahihirapan din naman sa trapik, di nga lang sintindi ng mga nasa bus at MRT.
Salamat sa MMDA.
Sabagay, ano ba naman ang aasahan mo mula sa isang ahensiyang bawal magpapasok ng mga mamamayang nakatsinelas, o sa opisinang ang mga tao ay nagsasaboy ng gaas sa mga pobreng illegal vendors?
Ederic Eder
Ederic is a Filipino communications worker in the telecom, media, and technology industry. He writes about K-dramas and Korean celebrities for Hallyudorama.
He used to be a social media manager for news at GMA Network, where he also headed YouScoop, GMA News and Public Affairs’ citizen journalism arm.
He was with Yahoo! Philippines for more than three years before returning to GMA Network, where he was also previously part of the News Research section.
Related Posts
January 13, 2025
Cebu, Manila among pet-friendly destinations in Asia
These Philippine cities are in Agoda's top 10.
October 10, 2024
Agoda, Tourism Promotions Board promote Philippines
The partnership showcases the Philippines as a must-visit destination.
May 30, 2024
Catch the magic of World of Frozen on Disney+
Two World of Frozen titles coming on June 7.
Huh? Nagsasaboy ng gaas sa vendors? Grabe naman…. violation of human rights. Nakakagalit naman.