Napaaga ang Oblation Run sa UP Diliman kahapon. Napatakbo ang mga taga-APO fraternity dahil sa mga sinabi ni Raul Gonzalez. Bad trip siya sa mga taga-UP dahil rally raw nang rally. Nilalabanan daw ng mga taga-UP ang estadong nagpapaaral sa kanila.
Ang sagot ng kapwa UP alumnus na si Markku, “the GMA administration is definitely not the state.”
Pero aliw lang, parang anlaki ng rally kasabay ng oblation run kahapon. Inabot raw ng 1,000 ang sumali. Hmmm, bakit kaya? 😉
***
Wala na si Spike, ang alagang aso ni Mhay. Pumunta si Spike sa pet heaven kahapong umaga.
***
Geek mode. In-implement ko na sa Tinig.com ang wphpbb login plugin. Pwede na ngayong mag-post ng comments sa Tinig.com articles ang members at readers gamit ang kanilang Tinig.com Forums username and password.
Ederic Eder
Ederic is a Filipino communications worker in the telecom, media, and technology industry. He writes about K-dramas and Korean celebrities for Hallyudorama.
He used to be a social media manager for news at GMA Network, where he also headed YouScoop, GMA News and Public Affairs’ citizen journalism arm.
He was with Yahoo! Philippines for more than three years before returning to GMA Network, where he was also previously part of the News Research section.
Related Posts
January 26, 2022
Relaunched Tsek.ph Pledges to Counter Election Misinformation
Tsek.ph, a pioneering collaborative fact-checking coalition, pledged to combat…
January 21, 2022
Bigger Tsek.ph to Be Relaunched Jan. 24
Consistent in its efforts to counter disinformation through verified…
PADALHAN NYO NAMAN POH SANA AKO NG ISANG HALIMBAWA NG TALUMPATI NG MAY KAUGNAYAN SA MGA ESTUDYANTE NATIN NGAYON SA PILIPINAS.PLSS………..KAYLANGANG-KAYLANGAN KO NA POH KASI….PLSSSS…………..
Sa mga taga UP, maraming salamat sa inyo kabataan. Tanging kayo na lang ang pag asa ng Bayan, naway dumami pa ang UP sa buong kapuluan. During the 1st quarter storm na-pakahalaga ang ginampnan ng UP sa ating Bayan. Kung ang UP ang breeding ground bg mga mulat, matitino at matatapang, dapat lang na ituloy ang ganitong kaisipan.
Kay Raul Gonzales, “TARANTADO” pala ito, noong panahon ng kadiliman fans ako ng kanyang kolum sa “WE Forum”. Tinaya din nya ang kanyang buhay laban sa EU-Marcos dicctatorship pero ngayon, tingnan mo nga naman ang buhay napwesto ka lang “TARANTADO” ka para kang asong siga linamon mo ang isinusuka mo noon.
GISING NA BAYAN TANGHALI NA NAMAN!!!
penge naman po taLumpati tungkoL sa talino ng tao..maraming saLamt
+++ bye bye spike… may you rest in peace… +++
hindi ko masisisi kung nasabi ni Sec. Gonzales na “breeding ground” ng destabilizer ang UP…kilala naman talaga ang UP kahit noon pa sa pakikibaka sa kanilang mga paniniwala at ako ay hanga sa kanila… ngunit dapat din nating isipin kung ano ang magiging epekto nito sa lahat hindi lamang sa iilan…ito ba ay makakabuti sa ating ekonomiya? ito ba ay magdudulot ng matinding kaguluhan at maaring masaktan ang mga taong walang kinalaman sa mga nangyayari….dapat nating isaalang-alang ang nakakaraming tao…ano ba ang isa pang alternative na pwede nating gawin… alam naman nating lahat na mas makapagyarihan ang ating mga PLUMA… nararapat lamang na ito na lang ang ating gamitin at huwag na gumamit ng tabak na magiging sanhi lamang ng kaguluhan…
para sa lahat ng taga UP, in behalf of Sec. Raul Gonzales…hinihingi ko po ng tawad ang naging payahayag nya sa mga taga UP… maaring ito ay bunsod lamang ng matinding emosyon laban sa mga totoong “destabilizer” at naniniwala ako hindi nya nilalahat sa UP….
tama. di masamang magreklamo pero dapat siguraduhing ito ay makakatulong sa bayan.
pwedeng pagsabayin ‘yon.
sa UP, may mga gumagawa non. Meron ding nag-aaral lang. Meron nagrarally lang. Meron sobra na sa Maximum Rasidency Rule.
Point is, iba-iba ang tao sa UP. Parang Pilipinas. Hindi pwedeng bansagan lang ni RaulGon na “breeding ground” ng destabilizers ang UP, na para bang lahat ng graduate doon ay destabilizers.
In the first place, destabilizers ba ang dapat itawag sa mga nabibigyan nito ng label?
minsan naniniwala na ako kay Sec. Gonzales… bakit nga ba kailangan pa nating daanin ang ating mga reklamo sa mga lansangan..merong tamang venue for this… kung hindi man tau naniniwala sa korte…. then, as a student.. we have to do what we ought to do….since tama nga, pinapaaral tau ng taong bayan… hindi ng gobyerno..so dapat nga na pagbutihin natin ang ating pagaaral sa loob ng mga silid aralan at hindi sa mga lansangan…. maaring hindi nating kapanahunan ngayon…kung gusto talaga nating tulungan ang bayan, magaral tau ng mabuti… pagdating ng panahon, maaring pagkakataon mo na maglingkod sa bayan at siguraduhing kapag ikaw na ang nakaupo sa pwesto ay talagang nandun ka para tulungan ang bayan at hindi magpataba ng bulsa… hindi masamang magreklamo pero dapat siguraduhing ito ay makakatulong sa bayan….
Yang si Raul Gonzalez hindi na nakakatuwa. Minsan di ko sya maintindihan kung nasa matinong pagiisip pa ba sya at all. Hehehe. Pero seryoso, di ba?
The state includes the people. The funds that go into state universities and colleges like the University of the Philippines (UP) are not called PUBLIC FUNDS (not GOVERNMENT FUNDS) for nothing: without the people who pay the taxes, government would not last a day.
sa totoo lang, matagal na nga akong naeepalan dyan kay raul gonzalez. hahaha! wala lang 😛