Ipinakita kahapon ni Comelec spokesperson James Jimenez sa Bloggers’ Kapihan ang mga bagong teknolohiyang gagamitin sa 2008 ARMM elections inaasahang magagamit sa pambansang halalan sa 2010.
Kasama ang ilang estudyante at guro ng UP Manila at DLSU-Dasmarinas, sinubukan ng Bloggers’ Kapihan crew — naroon kami nina Mong at Tonyo — ang high tech na pagpili ng kandidato gamit ang Direct Recording Electronic (DRE) method.
Sa mas high-tech na paraang ito, gamit ang voting pad na kinalalagyan ng pangalan at larawan ng mga kandidato, diretsong maiipasok ng mga botante sa mala-ATM na device ang kanyang boto.
Sinaksihan din namin kung paano magbilang ang Optical Mark Reader (OMR).
Kung ang paraang ito naman ang gagamitin, sa balotang papel pa rin boboto ang mga tao na parang kumukuha ng college entrance exam dahil didiliman ang bilog katabi ng pangalan ng napiling kandidato, pero ang pagbibilang ay gagawin ng makina.
Ang Republic Act 9369, na nagbago sa RA 8436, ang nagpahintulot sa Comelec na gamitin ang automated system. Kung hindi na magkakabulilyaso, sa ilalim ng automated polls ay maipoproklama ang nanalo sa loob lamang ng 36 na oras. Asteeg, di ba?
Bagamat aminado ang Comelec na di pa perpekto ang mga teknolohiyang ito — at di rin garantiyang lubusang makakapuksa sa dayaan sa eleksyon — sa tingin ko, kahit paano’y baka makatulong itong muling magkaroon ng eksenang Hello Garci. At saka naman, panahon nang maging high tech ang halalan natin. Nakawalong taon na kaya tayo sa bagong milenyo.
Para sa dagdag na kaalaman sa mga teknolohiyang ito, bisitahin ang 2008 ARMM elections automation website.
Ederic Eder
Ederic is a Filipino communications worker in the telecom, media, and technology industry. He writes about K-dramas and Korean celebrities for Hallyudorama.
He used to be a social media manager for news at GMA Network, where he also headed YouScoop, GMA News and Public Affairs’ citizen journalism arm.
He was with Yahoo! Philippines for more than three years before returning to GMA Network, where he was also previously part of the News Research section.
Related Posts
July 16, 2024
Greenpeace PH: no need for nuclear energy
Greenpeace comments on the PH-US nuclear pact and advocates for renewable…
December 12, 2023
DOH, groups sign smoke and vape-free pledge
They want public policies for smoke-free and vape-free environments.
meron po. kasama po sa kontrata na sa bawat OMR at DRE e merong backup na pagkukunan ng elektrisidad.
sa mga 9 na counting centers (kung saan makikita ang mga OMR machines), e mayroong 9 na generator sets.
dahil mayroong 3000 na DRE machines, mayroon ding 3000 na car batteries na kayang magbigay ng elektrisidad sa loob ng 16 na oras.
Paano kaya kung mawalan ng kuryente sa mga botohan? Mayroon bang sapat na bilang ng mga generators sa bawat presinto?
Jerics last blog post..Toffer Rei ends his Idol journey tonight