Photobucket - Video and Image Hosting

Hindi naman pala ako praning, kung hindi matigas ang ulo. Bago ako nag-apply sa Smart Bro(ken) na “wi-fi” raw, nang-istorbo ako ng mga taong ‘di ko kakilala, at nag-survey sa mga kaibigan kong connected. May mga nagsabing huwag na, kung ayaw kong sumakit lang ang ulo ko. May mga nagsabing medyo okay na, o pwede na ang connection sa kasalukuyan. Mas pinaniwalaan ko itong huli, lalo na’t atat na akong magka-broadband.

So, okay naman noong una. Mula noong Hulyo 1, nang makabitan ako, bagama’t medyo nagbabagal, isang beses lang akong nawalan ng connection at naayos naman agad. Hanggang sa dumating ang Martes na gabi. Nawalan ako ng connection. Dahil may pupuntahan ako, di ko na muna ininda. Kako’y baka nagkaproblema lang nang konti. Noong Miyerkoles na gabi, wala pa ring connection, pero dahil di rin ako nagtagal sa bahay, hinayaan ko na lang muna ulit. Pagdating ng Huwebes na gabi, wala pa ring akong connection.

Tumawag na ako sa *1888. Walang nangyari sa troubleshooting. Paulit-ulit na ipinatype sa akin ang commands na ipconfig /release at ipconfig /renew, at bunot-saksak ng adaptor sa saksakan, pero iisang IP address ang nakukuha ko. At hindi pa rin ako maka-online. Sa mga ikatlong tawag ko sa kanila, napikon na ako. Kung makakahintay raw ako, sabi ko’y hindi na, sabay higa.

Isipin mo na lang ito: nag-apply ako ng Smart Bro(ken) kasi gusto kong maka-access sa Internet anumang oras ko gustuhin kapag nasa bahay ako. Yung bang tipong kapag natae ako’t nagising sa madaling araw at naisipan kong mag-check nang e-mail, puwede. O kung gusto kong mag-download ng videos o mag-surf buong maghapon pag weekend, walang kaso. Kaya kahit delikadong kapusin, okay lang sa akin na magbayad ng isanlibo bawat buwan.

Pero mukhang walang pakialam ang Smart. Basta kumita lang sila, okay na.

Kaya ipapakausap ka sa mga pobreng kabataang hindi naman maipaliwanag kung bakit biglang nawawala ang connection mo at ayaw nang bumalik kaya’t sila ang napagbubuntunan ng pagka-badtrip ng mga subscriber. Kanina nga, dalawang call center agents ang nasigawan ko. Sa tindi ng frustration ko, hindi ko mapigilan. At kapag hindi naayos ang problema sa susunod kong pagtawag sa kanila, ipapaputol ko ang aking connection, sa ayaw at sa gusto ng Smart!

Kaya sa mga nakababasa nito, maniwala ka sa mga maaanghang na testimonya. Huwag matigas ang ulo. Kung ayaw ninyong atakihin sa puso sa ngitngit, huwag ka nang mag-Smart Broken!

(Note: Nakuha ko lang ang Smart Broken logo sa PinoyExchange.com. Kung makita ito rito ng gumawa, kung kung alam ninyo kung sino ang tunay na may-ari ng logo, mag-iwan lamang po ng mensahe upang maibigay ko ang tamang pagkilala.)


Ederic Eder

Ederic is a Filipino communications worker in the telecom, media, and technology industry. He writes about K-dramas and Korean celebrities for Hallyudorama.

He used to be a social media manager for news at GMA Network, where he also headed YouScoop, GMA News and Public Affairs’ citizen journalism arm.

He was with Yahoo! Philippines for more than three years before returning to GMA Network, where he was also previously part of the News Research section.

Author posts
Related Posts

Privacy Preference Center