in Balita't Usapin

Sa panahong ninanakaw ng China ang ating mga isla, pati na ang trabaho ng ating mga kababayan, kailangang mailuklok ang mga senador na malayang magsusulong sa kapakanan ng mga Pilipino.

Sa ilalim ng pangulong nagpapatirapa sa bansang kumakamkam sa ating teritoryo, kumikitil sa sarili niyang mamamayan, bumabalahura sa ating pananampalataya, at nakikipagmabutihan sa mga may bahid ng pangungurakot, kailangan natin ng mga makabayang senador na lalaban para mabalanse ang kapangyarihan sa pamahalaan.

Nitong mga nakalipas na linggo, unti-unting dumarami ang nagdedeklara ng suporta sa pinaghalong slate na ikinakampanya ng mga Pilipinong nasasaktan ngunit patuloy na nagmamahal sa bayan.

Ang mga Senador NaTen (Julia Cu Unjieng)

Unang binansagang Senador NaTen, tinatawag ngayong Team Pilipinas ang sampung kandidatong mula sa magkakaiba at madalas ay magkakalabang grupo sa politika. Ang pagkakapareho nila, lahat sila’y tunay na oposisyon.

Sa una’y ang mga kandidato lamang ng Otso Diretso ng alyansa ng Liberal Party, Aksyon Demokratiko, at Magdalo ang gumagamit ng Team Pilipinas. Kalaunan, idinagdag ng mga tao ang dalawang kandidato ng nagkaisang mga manggagawa ng Labor Win para mabuo ang bagong #TeamPilipinas.

Team Pilipinas (Marx Reinhart Fidel)

Kabilang ako sa mga sumusuporta sa Team Pilipinas. Sila ang sampung kandidato sa pagkasenador na sigurado nang iboboto ko:

  1. Erin Tañada
  2. Chel Diokno
  3. Bam Aquino
  4. Mar Roxas
  5. Neri Colmenares
  6. Leody De Guzman
  7. Samira Gutoc
  8. Gary Alejano
  9. Pilo Hilbay
  10. Romy Macalintal
Team Pilipinas (Jap Mikel, Brent Sabas, and Ara Villena)

Narito ang mga karagdagang impormasyon at mga dahilan kung bakit sila ang unang sampung iboboto ko:

Erin Tañada

  • BA Political Science, Ateneo de Manila University (1985); Bachelor of Laws, Manuel L. Quezon University (1989)
  • Human rights lawyer at dating congressman ng Quezon
  • Kakampi ng mga magniniyog sa pagbawi at paggamit nang tama sa coco levy funds
  • Nagtaguyod ng Freedom of Information bill sa Kongreso
  • Gagawa ng mga batas na lilikha ng mga trabaho at tamang sahod
  • Makabayan at progresibong mambabatas tulad ng kaniyang lolo na si Senador Lorenzo Tañada at tatay na si Wigberto Tañada

Chel Diokno

  • BA Philosophy, University of the Philippines; Juris Doctor of Laws, Northern Illinois University, magna cum laude (1986)
  • Human rights lawyer at founding dean ng De La Salle College of Law
  • Bilang chairperson ng Free Legal Assistance Group, iniligtas ang mga inosenteng hinatulan ng kamatayan
  • Sinigurong may hustisya para sa mga biktima ng MV Doña Paz
  • Ipinagtanggol si Raymond Manalo sa unang Writ of Amparo case kung saan ang testimonya ni Manalo ang naging daan sa pagkaka-convict kay Gen. Jovito Palparan
  • Gagawa ng batas para sa hustisyang patas para sa lahat at pagpapabilis ng paglilitis ng mga kaso
  • Makabayan at magiging progresibong mambabatas tulad ng kaniyang amang si Senador Pepe Diokno

Bam Aquino

  • BS Management Engineering, Ateneo de Manila, summa cum laude (1999)
  • Dating student leader at naging chairman ng National Youth Commission
  • Senador na nagsusulong ng kapakanan ng mga kabataan at maliliit na negosyante
  • Principal sponsor at co-author ng RA 10931 o Universal Access to Quality Tertiary Education Act
  • Author ng RA 10644 o Go Negosyo Act
  • Ten Outstanding Young Men of the Philippines awardee, 2010; Ten Outstanding Young Persons of the World awardee, 2012
  • Gagawa ng batas para sa de-kalidad na edukasyon at magandang trabaho

Mar Roxas

  • BS Economics, Wharton School of the University of Pennsylvania (1979)
  • Ekonomista at lingkod bayan — nagsilbi sa gabinete ng tatlong pangulo
  • Co-author at sponsor ng RA 9502, na nagpababa sa presyo ng mga gamot
  • Inilunsad ang Make IT Philippines campaign para mas makatulong sa pagpapalago ng BPO industry
  • Author ng RA 7880 o “Fair and Equitable Access to Education Act”
  • Pasimuno ng Personal Computers for Public Schools program ng DTI
  • Noong Bagyong Yolanda, “did his honest best and risk his life to warn the people,” ayon kay dating Leyte Rep. Ferdinand Martin Romualdez 
  • 1999 Political Leader of the New Millenium ng Asiaweek
  • Gagawa ng batas para sa de-kalidad na trabaho at mas mabilis na internet at para tanggalin ang excise tax sa produktong petrolyo

Neri Colmenares

  • BA Economics, San Beda College; Bachelor of Laws, University of the Philippines
  • Human rights lawyer at aktibistang lumaban sa rehimeng Marcos
  • Chairman, National Union of People’s Lawyers at dating kinatawan ng Bayan Muna sa Kongreso
  • Author ng RA 9745 o Anti-Torture Law at RA 10353 o Anti-Enforced or Involuntary Disappearance Act
  • Author ng RA 10368 o Human Rights Victims Reparation and Recognition Act para sa mga biktima ng diktadurang Marcos
  • Distinguished Alumni for Public Service, UP Law Alumni Association (2014)
  • Gagawa ng mga batas para itaas ang sahod ng mga manggagawa, ipagbawal ang contractualization, at tanggalin ang VAT sa koryente, tubig, at produktong petrolyo

Ka Leody De Guzman

  • BS Customs Administration, Philippine Maritime Institute
  • Beterano ng pag-uunyon at parliament of the streets
  • National chairman, Bukluran ng Manggagawang Pilipino
  • Founding member, Nagkaisa Labor Coalition
  • Gagawa ng batas para ipagbawal ang contractualization, pantay na sahod Metro Manila at lahat ng probinsiya at industriya, at pag-alis ng VAT at excise tax sa produktong petrolyo

Samira Gutoc

  • BA Journalism, University of the Philippines; Master in International Studies, University of the Philippines (2001); Bachelor of Laws, Arellano University (2006)
  • Sectoral assemblyman ng ARMM Regional Legislative Assembly
  • Dating miyembro ng Bangsamoro Transition Commission Organizer ng Ranao Rescue Team, ang first responders nang nagsimula ang giyera sa Marawi
  • Convenor ng Philippine Center for Islam and Democracy
  • 2018 N-Peace Awardee for Untold Stories, United Nations Development Programme in Asia and the Pacific
  • Gagawa ng batas para sa kapakanan ng mga biktima ng digmaan,
    kalamidad, at kaguluhan; pagtuturo ng peace education sa mga paaralan; pagsisiguro ng pantay-pantay na representasyon at suporta ng pamahalaan sa mga kababaihan sa lahat ng larangan

Gary Alejano

  • BS Electrical Engineering, Cebu Central Colleges (1991); BS Naval Systems Engineering, Philippine Military Academy (1995); Masters of Management, UP Open University
  • Isa sa mga sundalong Magdalo na sumali sa Oakwood Mutiny bilang protesta sa korupsiyon noong rehimeng Arroyo
  • Dating kinatawan ng Magdalo Partylist
  • Dating captain ng Philippine Marine Corps
  • Outstanding PMA Alumnus awardee
  • Distinguished Alumni in Public Service (UP Alumni Association)
  • Gagawa ng mga batas na magpapatibay sa pagtatanggol sa West Philippine Sea; titiyak sa seguridad sa pagkain at kabuhayan ng mga Pilipino; at magtatanggol sa kalikasan at komunidad na biktima ng ilegal na pangingisda, poaching, pagmimina, at pagtotroso

Pilo Hilbay

  • BA Economics, University of Santo Tomas (1995); Bachelor of Laws, University of the Philippines (1999); Masters of Law, Yale University (2005)
  • Topnotcher, 1999 Bar Examination
  • Bilang solicitor-general, ipinagtanggol at naipanalo ang ating karapatan sa West Philippine Sea sa UNCLOS Arbitration Proceedings laban sa China
  • Kabilang sa naka-recover ng P60 bilyon na coconut levy funds upang magamit ng mga magsasaka
  • Gagawa ng mga batas na susuporta sa pabahay, trabaho, health care, at edukasyo; magtatanggal sa pabigat na requirement sa pag-apply; at tutulong sa mga na-endo at mga balikbayang OFWs at bagong graduates na naghahanap ng trabaho

Romy Macalintal

  • BS Commerce, Philippine College of Commerce; Bachelor of Laws, University of the East  
  • Ipinagtanggol si Vice President Leni Robredo laban sa electoral protest na isinampa ng talunang si Bongbong Marcos
  • Bilang abogado, ipinagtatanggol ang karapatan ng mga senior citizens laban sa malalaking negosyante at establisyimento
  • Naghain ng petisyon sa Comelec upang makaboto nang maaga ang mga taga-media na sa araw ng halalan ay nakadestino sa ibang lugar
  • Gagawa ng mga batas na ibayong magsusulong sa kapanan ng mga senior citizen at mga may kapansanan

Para di natin malimutan ang unang sampu sa ating listahan ng mga senador, i-save ang kodigo na ‘to:

Kodigo ng Team Pilipinas

Write a Comment

Comment

Webmentions

  • Para sa Team Pilipinas

    […] At siguro marahil, nabasa n’yo na rin ang aking “Sa Team Pilipinas tayo.” […]