Kuha ito sa tabing dagat sa White Beach ng Puerto Galera, Mindoro kahapon. Naroon kasi kami nina Mhay at lima sa mga kaibigan namin noong weekend. Actually, lakad iyon ng barkada niya, pero dahil sanay na silang kasama ako lagi, kasali ako sa biyahe.
Speaking of biyahe, nagsimula kami nang alas tres ng umaga noong Sabado sa Tritran Bus terminal sa Kamuning, at bago mag-ikalima ay nasa Batangas pier na kami. Naaliw nga ako nang sa pagbaba namin ng bus ay may napansin akong babaeng naka-bathing suit (pang-itaas lang ang napansin ko). Kako’y excited naman sobra ang isang ito. Later, na-realize kong kasama pala siya ng mga nagtatawag sa mga pasahero para sumakay sa kanilang bangka.
Akala ko, ferry ang sasakyan namin. Pero yung taong nangulit sa amin ay dinala kami sa ticket booth ng M/B Commandos 7 — hayop sa pangalan, di ba? Pagkalabas namin ng lounge ng Batangas pier terminal, nalaman naming malaking de-motor na bangka lang pala ang napili naming sasakyan. Kaya pala M/B at hindi M/V.
Pagdating sa Puerto Galera, sinalubong kami ng mga nag-aalok ng tirahan, tiket pabalik sa Batangas, banana boat, at iba pa. Matapos bumili ng tiket pabalik, naghanap na kami ng matutuluyan hanggang Linggong hapon. Dahil maraming bakasyunista, nagmamahalan ang mga accomodation. Pati yung ipinareserve namin, wala na dahil ‘di raw kami nag-confirm.
Sa huli, natagpuan namin ang Sheryll’s Inn. De-aircon ang kuwarto, may cable TV at electric fan, at kasya naman kaming pito. Limang libong piso ang siningil sa amin. Okay na rin. Kung gusto ninyong magpa-reserve, may number nila diyan sa larawan.
At dahil may tirahan na kami, ang inasikaso naman namin ay ang pagkain ng almusal. Tumuloy kami sa kalapit na Brian Restaurant, at nainis sa liit ng serving. Makalipas ang paunang paglulunoy sa dagat, nagtanghalian naman kami sa isang kainang sayang at di ko nakuha ang pangalan. Marami ang serving at masarap naman yung pagkain. Ang isang serving ng Pork curry na in-order ko, di ko mauubos kung walang extra rice. Basta katabi iyon ng henna tattoo stall na “Tanging Henna.”
Noong gabi naman, pinili namin ang Hiyas Bar, isa sa mga kainang ang mga mesa ay natatanglawan ng mga kandila. Kaya lang, noong umoorder na kami, napikon kami sa isang baklang serbidora na hindi kami pinapansin. Mas enjoy siyang mag-asikaso — kumuha ng order, chumika, tumambay, at magpa-cute, kumuha ng larawan — ng isang grupo ng mga kalalakihang nag-iinuman. Dahil medyo gutom na kami — at dahil impatient ako — binalak ko itaas ang grapong may lamang kandila upang mapansin kami ng naturang serbidora. Sa katangahan ko, di ko naisip na mainit ang garapon. Siyempre, napaso ako. May isa pang baklang serbidora na umasikaso na rin sa amin kinamamayaan. Sa wakas ay makakakain na kami, pero kinailangan kong manatiling nakahawak sa malamig na plastic cup ng Coke para maibsan ang sakit ng paso ko. Huwag kayong kakain doon, baka may malasin din kayo.
Pinag-uusapan na rin lang ang mga kainan, iwasan din ninyo ang Fernando’s. Ang ganda pa naman ng billboard nila, pero putik, may isang oras yata kaming naghintay sa almusal namin noong Linggong umaga. Ultimong orange juice na gawa lang sa powder at malamig na tubig, isandaang taon bago nakarating sa amin. Matapos naming maghintay nang forever at mag-follow up maya’t maya, malamig pa nang dumating ang mga pagkain. Ang mga nagsisilbi, parang ayaw lumapit sa mga costumer — at parang mga menor de edad pa yata. Naiyak pa nga ‘yung isa nang mapagtarayan. Kung gusto ninyong sumakit ang ulo at magka-ulcer, kumain sa Fernando’s.
Noong tanghalian ng Linggo, nagpaluto na lang kami ng pagkain sa sari-sari store na nasa tapat lang ng Sheryll’s. Di na kami nainitan sa paglalakad, di pa napagod dahil nasa tapat lang ito. Masarap naman ang nilutong pagkain — liempo at kanin sa akin — at pagkatapos ay naghaluhalo kami.
Umaga’t gabi kami nag-swimming. Pero nung gabi ng Sabado, nakipunta lang ako sa beach — natulog lang ako nung nag-night swimming sila. Di kasi ako nakapagpahinga noong hapon sa kakaabang ng Pinoy Big Brother updates at interview kina Aldred at Mikki.
At nabanggit na rin ang celebrities, wala akong nakitang mga kilalang tao, di gaya noong unang punta ko roon around 10 years ago (para mag-complete ng PE requirements ko) na nakapagpalitrato pa ako kay Regine Tolentino. Ngayon, mga kung sinu-sinong tao lang, kabilang ang mga foreigner, na habang nag-eenjoy sa beach ay tila nag-eenjoy rin sa pagdi-display ng kanilang mga katawan. Naalala ko tuloy ang recent post ni Lagsh tungkol sa pagpapaganda ng katawan, at naisip kong sana sa susunod na maghubad ako in public, mas maliit na ang tiyan ko.
Samantala, iisa lang ang nakita kong kakilala, na peryodista rin. Pakiramdam ko naman, napakalawak ng network ko para magkaroon ng maraming kakilala sa isang bakasyunan. Wala pang Tinig.com people sa bahaging iyon ng Mindoro.
Bago umuwi, nagbabad kami at nagkuhaan ng larawan sa isang dulo ng beach. Gamit ang goggles ni Bing, nanghabol ako ng mga isda na di ko masundan dahil ayokong pumunta sa malalim. Naaliw kami sa panonood ng tatlong kababaihang naka-swimsuit na nagkukuhaan ng litrato na parang FHM models. Maya-maya, pina-pose ko na ang mga kasama ko, at kami naman ang nag-pictorials.
Matapos bumili ng souvenirs, handa na kaming bumiyahe ulit pabalik sa Maynila. Malaking bangkang de-motor ulit ang sinakyan namin palayo sa lugar na itinuturing ng iba bilang paraiso.
Sa loob nang limang oras, nakabalik na kami sa karaniwang maingay at nagmamadaling mundo.

Ederic Eder
Ederic is a Filipino communications worker in the telecom, media, and technology industry. He writes about K-dramas and Korean celebrities for Hallyudorama.
He used to be a social media manager for news at GMA Network, where he also headed YouScoop, GMA News and Public Affairs’ citizen journalism arm.
He was with Yahoo! Philippines for more than three years before returning to GMA Network, where he was also previously part of the News Research section.
Related Posts
February 22, 2023
How to Mitigate Cybersecurity Threats From Generative AI
Listed here are a few ways to mitigate cybersecurity threats from generative…
October 1, 2022
Marissa Flores named jury member at 2022 International Emmy Awards
GMA Network Consultant for News and Public Affairs Marissa L. Flores has been…
August 22, 2022
Jollibee opens in Times Square
Jollibee on Thursday officially took its place at "the crossroads of the world"…
You now wat..kainggit ka! buti ka pa nakarating na sa puerto gallera isa yan sa dream place na gusto ko puntahan layo kasi tsaka mukhang magastos eh…pro makakapunta din me dyan…relaxing kasi yung lugar dyan eh…gusto ko yung mga gnung nature dagat!
anna: Malapit na ulit ang summer!
Apol: Boracay naman? :p
zianne: salamat po. 🙂
hi..galing mo nmn magsulat..naenjoyed ko s mga ginawa mo..ingats
uhm..nauna pala kami ng isang lingo sa pagpunta sa puerto galera. sayang nga at di tayo nagkasabay. hehe! mahirap nga kumuha ng room na matutuluyan noon, dami kasing tao. kaya naman nagkasya na lang kami doon sa camp site at doon nagtirik ng tents, P100/head lang 🙂
summer na summer na (patapos na nga eh!), pero hindi pa rin ako nagbe-beach! 🙁
gari at tenchu: dalian nyo na ang pagpunta sa beach dahil malapit nang matapos ang summer.
Charles: you should. there are lots of places to visit here. 🙂
SELaplana: Mas malapit ka ata sa Boracay, no?
doorlight: salamat po sa pagbabasa.
i want beach, too.
uy, ‘ang saya mo magkwento. hehe. :p
para na rin akong nasa puerto galera nito.
I havent been to Puerto Galera yet probably will visit there when I have the chance to travel to the Phils. with friends
makakapunta na rin ako jan very soon 🙂
supremo,
buti ka pa nakapag-beach na
ngayong summer samantalang
ako…dry ang hair, tanned ang balat,
cracking ang lips at sunburnt ang batok
pero hindi dahil sa tubig alat o chlorinated
water ng swimming pool…
sigh!
gari