Kagabi, naisip ko na naman ang Pinoy Times. Namayagpag ang munting diyaryong ito ni Eugenia Apostol ( na tinatawag naming Tita Eggie kahit di naman kami close sa kanya), pati na rin ang Pinoy Times Special Edition noong panahon ng impeachment trial ni Pangulong Estrada.
Naisip kong ngayong mainit ang Juetengate 2 at kumukulo ang Gloriagate, hindi kaya muling mabuhay ang Pinoy Times?
Nakasulat din ako ng ilang artikulo sa Pinoy Times noon. Pinakapaborito ko ang “Tinig ng Generation Txt”. (Dahil sa article na ‘yan naging cyberfriends kami ni Manolo, na noo’y kolumnista ng diyaryo.) Ang isa sa mga pinakaunang personal website ko nga, mayroon pang impormasyon tungkol sa Pinoy Times at may koleksiyon ng mga artikulo ni Pete Lacaba. Noong medyo tumatagilid na ang diyaryo, sumali ako sa nananawagan na suportahan ito.
Mula sa PCIJ blog ay napadaan ako kanina sa PinoyPress at nabalitaan kong muling ilulunsad ni Tita Eggie ang kanyang magasing Mr. & Ms. Nabanggit ang balitang ito sa kolum ni Victor Agustin sa Inquirer. Ang Mr. & Ms., mula sa isang ordinaryong magasin ay naging isa sa mga pinakamatitinding kritiko ng rehimeng Marcos matapos mapaslang si Ninoy Aquino.
Kung totoo ang balitang ito, mukhang nasagot na ang aking katanungan.

Ederic Eder
Ederic is a Filipino communications worker in the telecom, media, and technology industry. He writes about K-dramas and Korean celebrities for Hallyudorama.
He used to be a social media manager for news at GMA Network, where he also headed YouScoop, GMA News and Public Affairs’ citizen journalism arm.
He was with Yahoo! Philippines for more than three years before returning to GMA Network, where he was also previously part of the News Research section.
Related Posts
February 22, 2023
How to Mitigate Cybersecurity Threats From Generative AI
Listed here are a few ways to mitigate cybersecurity threats from generative…
October 1, 2022
Marissa Flores named jury member at 2022 International Emmy Awards
GMA Network Consultant for News and Public Affairs Marissa L. Flores has been…
August 22, 2022
Jollibee opens in Times Square
Jollibee on Thursday officially took its place at "the crossroads of the world"…
Ok nga sana ‘yun. Kaso lang ewan ko kung nakanino na ang domain name na ‘yan ngayon. Saka kailangan pang ipaalam ‘yun sa may-ari ng paper.
Pwede nyo namang ibalik muli ang Pinoy Times. Kahit sa internet lang, marami na rin ang nagbabasa ng mga balitang walang halong…
Salamat sa link! =)
Ngek bakit naman? Di lang siguro naging sobrang agresibo ang marketing. Saka nawalan ng interes ang mga tao. Naging kampante.
hanggang ngayon na giguilty ako na baka isa akong dahilan kung bakit nagsara siya huhuhuhuhuhu 😛