Isa ako sa mga Kapuso na lumipad papuntang Cagayan de Oro noong Pebrero para sa una sa serye ng Pilipinas Debates 2016, na inihatid ng GMA Network, Philippine Daily Inquirer, at Commission on Elections (Comelec), kasama ang Kapisanan ng mga Brodkaster ng Pilipinas. Kung hindi n’yo pa ito napapanood, narito ang full video ng debate:
Kami ng kasamahan ko sa GMA News Social Media na si Justin Joyas ang natoka na mag-report nang live sa Facebook page ng GMA News ng mga nangyayari sa likod ng television cameras. Kasama din namin si Aileen Perez ng GMA Public Affairs Social Media para naman sa 360 videos sa Facebook.
Sinimulan namin ni Justin ang aming Facebook Live coverage sa pamamagitan ng pagpapakilala at pagpapasilip sa kampus ng Capitol University, na pagdarausan ng debate:
Sinundan namin ito ng pagbisita sa silid na nagsisilbing headquarters ng GMA News Public Affairs production team, at nakausap ni Justin ang GMA News pillar and anchor na si Ms. Jessica Soho, isa sa mga host ng debate.
In-interview ko rin si GMA News anchor Mike Enriquez tungkol sa mga paghahanda niya para sa gagawin niyang pagho-host ng PiliPinas Debates.
Posted by GMA News on Saturday, February 20, 2016
Si Ma’am Jess ulit ang sumunod kong kinausap nang live.
Interview with #PiliPinasDebates2016 host Jessica Soho.
Posted by GMA News on Saturday, February 20, 2016
Ipinakita naman ni Kapuso reporter Joseph Morong sa mga Facebook follower natin ang auditorium na pagdarausan ng debate.
Tour sa venue na gagamitin sa #PiliPinasDebates2016
Posted by GMA News on Saturday, February 20, 2016
Kinabukasan, araw ng debate, muli kaming pumunta sa venue para ipakita ang mga preparasyong ginagawa roon. Kasama namin ni Justin si Joseph na nagkuwento ng paghahanda ng production team habang nag-iinspeksiyon sa set ang staff ng presidentiable na si Sec. Mar Roxas.
#PiliPinasDebates2016
Posted by GMA News on Saturday, February 20, 2016
Pati ang briefing ng mga volunteer na taga-Capitol University, ini-live rin namin:
Volunteers
Posted by GMA News on Saturday, February 20, 2016
Nakunan din namin nang live ang pagdating ni Comelec Chair Andy Bautista.
Dumating na po si Commission on Elections Chair Andres Bautista sa Capitol University para sa #PiliPinasDebates2016.
Posted by GMA News on Saturday, February 20, 2016
Kailangan ko talagang matutunan kung paano mapapanatiling steady ang cellphone camera kahit naglalakad ako.
Sa video na ito, makikitang ang staff naman ng presidentiable na si Sen. Grace Poe ang nag-i-inspeksiyon sa set:
Pagbisita ng staff ni Sen. Grace Poe sa set ng #PiliPinasDebates2016
Posted by GMA News on Saturday, February 20, 2016
Na-interview ni Justin si Comelec Chair Andy Bautista bago ang debate:
Comelec Chair Andy Bautista
Posted by GMA News on Saturday, February 20, 2016
Mula naman sa gate ng Capitol University, pumasok kami at nilibot ang campus kasama ang isang estudyante roon na involved sa security ng event.
Dito sa Capitol University sa Cagayan de Oro City gaganapin ang pinakaunang #PiliPinasDebates2016 mamaya. Samahan n'yo…
Posted by GMA News on Saturday, February 20, 2016
Ito ang part two ng paglilibot:
Dito sa Capitol University sa Cagayan de Oro City gaganapin ang pinakaunang #PiliPinasDebates2016. Narito po ang…
Posted by GMA News on Saturday, February 20, 2016
Binalikan din namin ang HQ ng GMA News and Public Affairs.
Silipin natin ang patuloy na paghahanda ng GMA News and Public Affairs para sa #PiliPinasDebates2016
Posted by GMA News on Saturday, February 20, 2016
Nilakad din namin ang red carpet at pinasok ang holding room sa backstage kasama si Joseph Morong:
#PiliPinasDebates2016 red carpet tour with Joseph Morong
Posted by GMA News on Saturday, February 20, 2016
Nag-request kami ng short greeting para sa mga Facebook follower ng GMA News mula kay Ma’am Jess bago ang debate.
Ready na si Jessica Soho para sa #PiliPinasDebates2016 mamayang 5 PM sa GMA-7, Super Radyo DZBB 594khz, GMA Pinoy TV, at GMA News Online: http://gmanews.tv/eleksyon2016.
Posted by GMA News on Saturday, February 20, 2016
Ang pagdating sa Capitol University ng mga kandidato sa pagkapangulo ang kasunod ipinakita sa Facebook followers ng GMA News.
Si Vice President Jojo Binay ang unang dumating sa Capitol University.
Dumating na si VP Jojo Binay sa Capitol University para sa #PiliPinasDebates2016.
Posted by GMA News on Saturday, February 20, 2016
Kasunod na dumating si dating DILG Sec. Mar Roxas.
Dumating na rin po sa #PiliPinasDebates2016 venue si dating DILG Sec. Mar Roxas.
Posted by GMA News on Saturday, February 20, 2016
Si Sen. Grace Poe naman ang kasunod na dumating.
Dumating na rin po sa #PiliPinasDebates2016 si Sen. Grace Poe.
Posted by GMA News on Saturday, February 20, 2016
Sumunod na dumating si Davao City Mayor Rody Duterte.
Dumating na rin si Davao City Mayor Rodrigo Duterte sa Capitol University para sa #PiliPinasDebates2016.
Posted by GMA News on Sunday, February 21, 2016
Huling dumating si Sen. Miriam Defensor-Santiago.
Nasa Capitol University na rin si Sen. Miriam Santiago para sa #PiliPinasDebates2016.
Posted by GMA News on Sunday, February 21, 2016
Na-interview ko rin si Inquirer.net editor-in-chief John Nery, na co-host ng debate.
Interview with John Nery, INQUIRER.net's editor-in-chief, before the start of #PiliPinasDebates2016
Posted by GMA News on Sunday, February 21, 2016
Nagbigay naman ng updates mula sa red carpet ng PiliPinas Debates 2016 ang Kapuso reporter na si JP Soriano.
#PiliPinasDebates2016 updates from JP Soriano.
Posted by GMA News on Sunday, February 21, 2016
Inabangan namin ang mga kandidato sa holding room sa backstage. Ito ang pinakamahabang Facebook Live session namin noong unang PiliPinas Debates 2016. Nagkasama-sama sa silid na ito sina VP Binay, Sec. Roxas, at Mayor Duterte. Pumasok din dito sina Sens. Poe at Santiago.
Papasok po rito sa holding room ang mga kalahok sa #PiliPinasDebates2016 bago sila pumunta sa entablado.
Posted by GMA News on Sunday, February 21, 2016
Ilang minuto bago ang simula ng debate, excited na ang lahat. Nag-live kami kasama ulit si Joseph.
Magsisimula na po ang #PiliPinasDebates2016
Posted by GMA News on Sunday, February 21, 2016
Ito naman ‘yong a minute before magsimula ang show.
Nakatutok na ba kayo sa #PiliPinasDebates2016?
Posted by GMA News on Sunday, February 21, 2016
Siyempre, may update ulit kami after the first commercial break:
Pagkatapos ng first gap ng #PiliPinasDebates2016
Posted by GMA News on Sunday, February 21, 2016
Sa ikalawang commercial break, in-interview ulit namin ni Justin si Chairman Bautista.
Panayam kay Comelec Chair Andy Bautista sa #PiliPinasDebates2016
Posted by GMA News on Sunday, February 21, 2016
May maikling interview rin kami kay Inquirer President and CEO Sandy Prieto-Romualdez:
Interview kay Sandy Romualdez ng Inquirer Group. Ang INQUIRER.net ay kasama ng COMELEC at GMA News sa paghahatid sa inyo ng #PiliPinasDebates2016.
Posted by GMA News on Sunday, February 21, 2016
Bago ang round 3, in-interview naman namin ang isang kinatawan ng persons with disabilities, si Mr. Enrique Ampo. Mas maganda na ang internet connection namin nito.
Panayam kay Mr. Enrique Ampo, kinatawan ng PWD sector na nasa audience ng #PiliPinasDebates2016.
Posted by GMA News on Sunday, February 21, 2016
Bago mag-on air sa round 3:
Ganito po ang eksena bago umere ang round 3 ng #PiliPinasDebates2016 na magtatampok sa mga usapin mula sa Mindanao at mga tanong mula sa social media.
Posted by GMA News on Sunday, February 21, 2016
Sumilip kami sa control booth at media center. Sumama ang Internet, at magalaw pa rin ang camera ko.
Sinilip namin ang #PiliPinasDebates2016 control booth kung saan nagtatrabaho behind the camera ang mga Kapuso natin at ang media center para sa mga reporter.
Posted by GMA News on Sunday, February 21, 2016
Nang-ambush interview din kami ng supporters ng mga kandidato na nasa gymnasium ng Capitol University:
Pinuntahan namin ang building kung saan nagtitipon-tipon ang mga tagasuporta ng mga kalahok sa #PiliPinasDebates2016. Narito ang biglaang interview namin sa ilan sa kanila.
Posted by GMA News on Sunday, February 21, 2016
Ini-livestream din namin sa Facebook ang pagtatapos ng debate:
Ang pagtatapos ng #PiliPinasDebates2016
Posted by GMA News on Sunday, February 21, 2016
Kaso hindi nga maganda ang Internet connection, kaya may part 2 pa:
Narito po ang pagtatapos ng #PiliPinasDebates2016.
Posted by GMA News on Sunday, February 21, 2016
Siyempre, dapat may closing din ang Facebook Live coverage namin ni Justin:
Salamat po sa pagtutok sa Facebook Live coverage ng GMA News Social Media sa #PiliPinasDebates2016!
Posted by GMA News on Sunday, February 21, 2016
Kinunan din namin ang masayang picture-taking ng mga Kapuso pagkatapos ng debate:
Ang mga Kapuso pagkatapos ng #PiliPinasDebates2016.
Posted by GMA News on Sunday, February 21, 2016
Ang ang aming final live update sa unang leg ng Pilipinas Debates 2016, isang mensahe mula kay Ms. Jessica Soho:
Mensahe mula kay Jessica Soho pagkatapos ng #PiliPinasDebates2016
Posted by GMA News on Sunday, February 21, 2016
Bukas, abangan ang online and social media coverage ng GMA News sa ikalawang Pilipinas Debates 2016. Bumisita lamang sa GMA News Online at sa Facebook, Twitter, Viber, Instagram, at FireChat ng GMA News.

Ederic Eder
Ederic is a Filipino communications worker in the telecom, media, and technology industry. He writes about K-dramas and Korean celebrities for Hallyudorama.
He used to be a social media manager for news at GMA Network, where he also headed YouScoop, GMA News and Public Affairs’ citizen journalism arm.
He was with Yahoo! Philippines for more than three years before returning to GMA Network, where he was also previously part of the News Research section.
Related Posts
February 23, 2025
Tsek.ph relaunch: A ‘powerful force’ vs. misinformation
IFCN's Angie Drobnic Holan lauds relaunch of Tsek.ph.
December 12, 2023
DOH, groups sign smoke and vape-free pledge
They want public policies for smoke-free and vape-free environments.