Habang naglilibot sa sites ng cyberfriends ko, nalaman kong nag-update na pala ng design si Markku. Nang makita ko ang bagong estilo ng kanyang blog, sabi ko’y naalala ko noong una akong ma-in love sa kanyang design. Tingnan at nang maintindihan ang aking sinasabi.

Samantala, ilang araw na akong addict sa Airfagev, isang site na nilikha ni Rey J. Vegafria at tambayan ngayon ng mga Smart Phone users. Sa kasalukuyan ay hinihintay pa lang namin ang aming Smart Amazing Phone.

Nabalitaan na ba ninyo ang Google.com Pilipinas? Naaliw naman ako nang kamakaila’y awtomatikong napunta sa pahinang ito ang browser namin sa office nang mag-type ako ng www.google.com. Sa aking pamamasyal sa mga kaibigan, nabalitaan ko ang development na ito sa page ni Sassy Lawyer nang i-kuwento niyang ipinost ni Yuga ang balitang ito sa kanyang blog.

Kung hindi ako nagkakamali, si Prem ay isa sa mga nagsalin ng Google sa Tagalog/Filipino.


Ederic Eder

Ederic is a Filipino communications worker in the telecom, media, and technology industry. He writes about K-dramas and Korean celebrities for Hallyudorama.

He used to be a social media manager for news at GMA Network, where he also headed YouScoop, GMA News and Public Affairs’ citizen journalism arm.

He was with Yahoo! Philippines for more than three years before returning to GMA Network, where he was also previously part of the News Research section.

Author posts
Related Posts

Privacy Preference Center