Para ito sa mga nagre-request ng profiles ng mga kandidato sa pagka-pangulo at pangalawang pangulo ng Pilipinas sa pambansang halalan ngayong Mayo 2004 .

Una sa lahat, panoorin ang Bio-Data ng GMA-7. Kung may nalagpasan kayong episode, huwag malungkot. Nasa INQ7.net pa rin ang mga past episodes ng Bio-Data.

Kung hindi naman kayo maka-connect o kung may anumang iba pang excuses, tingnan ang mga sumusunod na pahina:

Bago ang mga iyon pala, laging isaisip na karamihan sa mga impormasyong nasa mga pahinang iyan ay mula sa kampo ng mga kandidato, at kayo na ang bahalang magsala kung alin sa mga nakasaad ang kapani-paniwala:

Narito ang profile ni Raul Roco. Mayroon din dito.

Para kay Bro. Eddie Villanueva, may website na ang Bangon Pilipinas.

May profile ni Fernando Poe Jr naman ang INQ7.net.

Ang biography naman ni Gloria Macapagal-Arroyo ay nasa KGMA site.

May biography, legislative agenda, at iba pang detalye ni Panfilo M. Lacson sa kanyang website.

Yung mga naghahanap ng kay Eddie Gil, panoorin lang ang past episodes ng Bio-data.

May pahina sa Talabis.com na may profiles din ng mga presidential candidates. Tingnan din ninyo.

Para sa mga kandidato naman sa pagka-pangalawang pangulo, narito ang kay Loren Legarda at ang kay Hermie Aquino.

Ang Philippine Communication Centrum naman ay may profile ni Noli De Castro.

Paramdam sana kayo kung naging kapaki-pakinabang ang pahinang ito. Salamat.


Ederic Eder

Ederic is a Filipino communications worker in the telecom, media, and technology industry. He writes about K-dramas and Korean celebrities for Hallyudorama.

He used to be a social media manager for news at GMA Network, where he also headed YouScoop, GMA News and Public Affairs’ citizen journalism arm.

He was with Yahoo! Philippines for more than three years before returning to GMA Network, where he was also previously part of the News Research section.

Author posts
Related Posts

Privacy Preference Center