in Pelikula at Telebisyon

Ongoing na ang pagboto para sa taunang RAWR Awards ng LionHearTV.net, na kumikilala sa pinakamahuhusay sa Philippine entertainment industry.

Tatanggapin ang mga boto para sa ikalimang taon ng RAWR Awards hanggang sa Nobyembre 2.

Ngayong taon, 23 parangal ang ipamamahagi ng RAWR Awards. Nahahati ang mga ito sa tatlong classifications — Cub Awards, Lion Awards, at ang Pride Awards.

Narito ang mga kategorya para sa Cub Awards:

  • Beshie ng Taon
  • Bibo
  • Favorite Bida
  • Favorite Kontrabida
  • Breakthrough Artist of the Year
  • Song of the Year
  • Movie ng Taon
  • Newbie of the Year
  • Bet na Bet na Teleserye

Para bomoto, pumunta lang sa link na ito.

Ang mga kategorya naman sa Lion Awards ay ang mga sumusunod:

  • Actor of the Year
  • Actress of the Year
  • Pak na Pak na Comedian
  • Influencer of the Year
  • Female News Personality
  • Male News Personality
  • Love Team of the Year
  • Favorite Performer
  • Radio DJ of the Year
  • TV Host of the Year.

Maaari kayong bomoto para sa kategoryang ito sa link na ito.

Sa Pride Awards naman, ito ang mga kategorya:

  • Fan Club of the Year
  • Favorite Group
  • Radio Station of the Year
  • TV Station of the Year.

Click here para bomoto.

Nakatakda ring tumanggap ng espesyal na pagkilala sina Dimples Romana, Maymay Entrata, Alden Richards, Dingdong Dantes, Charo Santos-Concio, Kathryn Bernardo, Angel Locsin, Rita Daniela at Ken Chan, at ang KathNiel love team. Pararangalan din ang yumaong pilantropo at dating enviroment secretary na si Gina Lopez.

Nasa post na ito ang listahan at mga larawan ng mga nanalo sa RAWR Awards noong isang taon.

Post a reply