Dumalo ako sa awarding ceremony ng RAWR Awards 2018 nitong Nobyembre 14 sa Le Rêve Events and Pool Party Venue sa Quezon City. Taon-taon, kinikilala ng RAWR Awards ang para sa blogging community, mga tagahanga at mga mambabasa, at industry leaders ay pinakamaniningning na mga bituin sa Philippine entertainment.

Ang RAWR Awards ay pinangungunahan ng entertainment blog na LionhearTV ng kapwa ko blogger at dating katrabaho na si Mc Richard Paglicawan.

Bukod sa mga artista, kinikilala rin ng RAWR Awards ang husay ng media personalities. Ngayong taon, ang Kapuso nating lahat na si Jessica Soho ay muling pinarangalan bilang Female News Personality of the Year.

“Sabay-sabay po nating labanan ang fake news!” wika niya sa isang video message.

https://youtu.be/L74f0UbtWSw

Ang flagship FM station ng GMA Network na Barangay LS 97.1 DWLS FM naman ang Radio Station of the Year. Bago ang awarding, nakahingi ako ng selfie kasama sina Papa Obet, Mama Belle, at Sir Dennis.

Selfie with Barangay LSFM

Si Jeff Canoy ng ABS-CBN News ang kinilalang Male News Personality of the Year, at ang ABS-CBN ang TV Station of the Year.

Wagi rin si Maine Mendoza — Pak na Pak na Comedian ng taon ang katuwang ni Alden Richards sa paborito kong AlDub.

Big winners sa RAWR Awards 2018 ang cyberfriends kong Flyers ng MayWard fandom. Kinilala bilang Love Team of the Year ang MayWard — o sina Maymay Entrata at Edward Barber. Inialay nila sa kanilang mga tagahanga ang tinanggap nilang award.

“Sa lahat po ng mga fans na hanggang ngayon ay sumusuporta sa amin — talagang ibinubuhos nila ‘yong time nila para bomoto sa amin — maraming maraming salamat sa inyo, andiyan pa rin kayo,” ani Maymay.

“This is as much yours, as it is ours,” wika naman ni Edward.

MayWard at 2018 RAWR Awards
Maymay Entrata and Edward Barber answer questions from reporters and bloggers during the 2018 RAWR Awards at the Le Rêve Events and Pool Party Venue in Quezon City on November 14, 2018.

Maging ang MayWard fans, nakatanggap din ng sariling award bilang Fan Club of the Year. Buong giliw silang sinamahan sa entablado ng kanilang mga idolo.

MayWard at fans sa RAWR 2018
Ang MayWard fans ang itinanghal na Fan Club of the Year sa 2018 RAWR Awards.

Panalo rin si Joshua Garcia, ang itinuturing na isa sa pinakamahuhusay na aktor ng kaniyang henerasyon. Hinirang na Actor of the Year para sa kaniyang pagganap sa “The Good Son” ang katambal ni Julia Barretto sa JoshLia love team.

Para sa kaniyang pagganap sa “The Hows of Us,” itinanghal na Actress of the Year si Kathryn Bernardo, na partner ni Daniel Padilla sa KathNiel.

Iginawad naman ang Royal Lion Award sa Queen of All Media na si Kris Aquino. Ayon sa LionhearTV, the award is a distinct honor for “someone who has shown courage beyond all odds.” Hindi nakadalo sa event si Kris, pero sa kaniyang social media accounts, pinasalamatan niya at inanyayahan sa isang kitaan ang LionhearTV.

Si Angel Locsin, kinilala ng RAWR Awards bilang The Advocate para sa kaniyang involvement sa Red Cross. “The award honors the celebrity whose advocacy has made a difference in the community. That the efforts he or she has put in are not just mere publicity, but all for the good of humanity and leave and impart the people with that sense of humility and unity to support a particular cause,” ayon sa LionhearTV.

Si Kimpoy Feliciano, isa sa mga pinakaunang online influencers sa bansa, itinanghal namang Digital Influencer of the Year.

Ang Bet na Bet na Teleserye award, iginawad sa “Inday Will Always Love You,” kung saan nakasama ni Kimpoy sina Barbie Forteza at Derrick Monasterio.

Pinarangalan namang Favorite Kontrabida ang Kapuso actress na si Kyline Alcantara sa kaniyang pagganap sa “Kambal Karibal.”

Kyline Alcantara at RAWR 2018
GMA actress Kyline Alcantara is being inerviewed by reporters and bloggers during the 2018 RAWR Awards.

Ang Breakthrough Artist of the Year award, ibinigay sa Kapamilya actor and model na si Tony Labrusca. Sa mga hindi pa nakakakilala kay Tony, panoorin n’yo ang trailer ng iWant movie nila ni Angel Aquino:

Si Morissette naman ang nanalong Favorite Performer. Siguradong marami sa inyo ang paboritong panoorin ang mga video niya sa YouTube channel ng Wish 107.5.

Morissette at RAWR Awards 2018
Morissette poses with her trophy at the 2018 RAWR Awards.

Kinilala rin ng RAWR Awards ang pagbabalik sa industriya ni JM de Guzman.

Narito ang iba pang mga nanalo:

  • Royal Cub – TNT Boys
  • Bibo Award – Ella Ilano (“Sana Dalawa Ang Puso”)
  • Favorite Bida – Kathryn Bernardo (“La Luna Sangre”)
  • Supporting Actor of the Year – Darren Espanto (“The Hows of Us”)
  • Movie ng Taon – “The Hows of Us”
  • Hugot Song of the Year – “Mundo” by IV of Spades
  • Favorite Newbie – Donny Pangilinan
  • Favorite Radio DJ- DJ Jai Ho
  • Favorite Group – Hashtags
  • Trending Show of the Year – “It’s Showtime”
  • Favorite TV Host – Vice Ganda

Ibinigay naman ang Brandspeak award sa Smart Communications Inc. at OPPO at ang PR of the Year Award sa Ripple 8, Strategic Works, ABS-CBN Corporate Communications, at Spark It! PH.

Ang komedyanteng si KaladKaren Davila ang emcee ng awards night.

Sponsor ng RAWR Awards ang PLDT at Smart, kasama ang Le Rêve, Lalamove Philippines, Home Credit Philippines, Brother Philippines, CAT PR, Voyager Innovations, CID Communication, Jollibee, Mode Devi, Starbucks Philippines, Akrotiri, Copperazo, Fuentes Manila, at DOJO PR.

Congratulations ulit sa mga nanalo at kina McRichard ng LionhearTV. Hanggang sa susunod na taon!


Ederic Eder

Ederic is a Filipino communications worker in the telecom, media, and technology industry. He writes about K-dramas and Korean celebrities for Hallyudorama.

He used to be a social media manager for news at GMA Network, where he also headed YouScoop, GMA News and Public Affairs’ citizen journalism arm.

He was with Yahoo! Philippines for more than three years before returning to GMA Network, where he was also previously part of the News Research section.

Author posts
Related Posts

Privacy Preference Center