Pack rat daw ako. Kung anu-ano ang iniipon, karamihan ay papel. Ngayon, pati digital files, iniipon ko na rin: text messages, e-mails, at iba pa.

Nagkatampuhan kami recently nang malaman niyang binura ko ‘yung messages niya sa cellphone ko noong huling magkatampuhan kami. Na-guilty ako nang sobra noon. Para nga naman sa gaya kong napaka-senti na ultimong “nyt nyt” ay isi-save sa phone ko, medyo malaking bagay na malamang binura ko ang ilang buwan ko ring inipong messages niya.

Pero may mga bagay tayong ginagawa dahil sa biglang bugso ng emosyon. Karamiha’y pinanghihinayangan natin pagkatapos. Na-bad trip ako sa sarili ko dahil sa sama ng loob na idinulot ko sa kanya nang pagkakataong iyon. Mabuti na lang at sadya siyang maunawain at okay na kami ulit.

Pero sayang pa rin ‘yung text messages na ‘yun.

Buti na lang, nakakuha ako ng bagong program para sa bagong bili kong second hand na Palm m100. Naisi-save ko na ngayon sa Palm ko ang lahat ng messages na gusto ko.

Naalala ko tuloy noong mag-install ako ng Palm desktop sa computer na na ginagamit namin sa office upang ma-kopya ang mga contact numbers ng mga mahahalagang tao na nasa PDA niya. Sa katangahan ko, na-delete lahat ng records sa calendar, note pad, at memo pad niya. Sobrang na-guilty ako noon.

Kanina naman, na-realize kong nawawala sa notepad ko yung message na sinulat niya matapos na magtapos ang tampuhan namin dahil sa messages na na-delete.

Ang buhay talaga. Mahirap pag hindi nagba-back up!


Ederic Eder

Ederic is a Filipino communications worker in the telecom, media, and technology industry. He writes about K-dramas and Korean celebrities for Hallyudorama.

He used to be a social media manager for news at GMA Network, where he also headed YouScoop, GMA News and Public Affairs’ citizen journalism arm.

He was with Yahoo! Philippines for more than three years before returning to GMA Network, where he was also previously part of the News Research section.

Author posts
Related Posts

Privacy Preference Center